Advertisers
Ni BETH GELENA
NAG-selebreyt ng 4th wedding anniversary sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nitong February 20.
Sa Instagram ni Matteo ay may heartfelt message siya sa kanyang misis.
He expressed his deep love and gratitude for Sarah.
“Happy 4th year wedding anniversary my love! “4 years of “WOW!” Marriage is complete with all the emotions you’ll ever imagine. Learning and living life with you is magical and unexplainable. Wisdom and maturity is gained. Looking forward to many many more years, forever. I love you. Thank you for being you,” sey ng actor.
Puring-puri naman ng netizens ang pagsasama ng celebrity couple.
Despite sa naging controversial ang kanilang pagpapakasal noon dahil walang blessing ng parents ng Popstar Royalty ay naging matatag sila sa isa’t isa.
Sabi ng netizens: “Puro hiwalayan sa showbiz, pero ang AshMat solid pa rin! Naniniwala pa rin kami sa Forever gawa nyo. Most admirable and couple goals talaga kayo.”
“Sana may little sarahg o little matteo na kayo.”
“Magka-baby na kayo please!”
***
COCO ‘PAGSASABUNGIN’ SINA CHARO AT TESSIE SA BQ
NADAGDAG sa casting ng 2nd season sa Batang Quiapo ang beteranang aktres na si Tessie Tomas.
Ayon sa lead actor/director/producer na si Coco Martin, kaya raw niya sinama sa 2nd season ng BQ si Tessie ay para may ka-kontra pelo si Ms. Charo Santos bilang si Tindeng.
Napanood daw niya ang Dirty Linen at bumilib siya sa akting ng beteranang aktres sa pagkamaldita nito kahit may edad na.
Personal choice raw talaga si Tessie para sa 2nd season ng action serye.
May mga input newbies din ang actor sa BQ tulad nang ginawa niya noon sa naging longest running serye niyang Ang Probinsyano.
Ani Coco, goal na raw niya na magsama ng newbies sa kanyang programa at mga artista noon para maipakita ang kanilang talento.
“So that producers would see them and they would eventually get more projects.”
Maraming characters ang papasok sa second season ng BQ. Isa na nga ay si Tessie Tomas.
Ibinalik din niya si Jaime Fabregas na kasama niya dati sa Ang Probinsyano.
Hindi na isang mabait na lolo ang gagampanan ng beteranong aktor kundi isa nang salbaheng tao.
Pagbabahagi pa ng aktor, ibig din niyang makatrabaho ang tatlong mahuhusay na aktres, sina Chanda Romero, Gina Alajar at Rio Locsin.
***
VICE NILIGWAK SA TVC, DONGYAN PASOK
MAY bagong TVC na magkasama ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Proud itong ibinida ng Kapuso aktres.
Ang nasabing TVC ay isang fast food chain na dating ini-endorso ni Vice Ganda.
Ang slogan ng mag-asawa sa TVC ay
“parami nang parami.”
Hindi lang basta nage-endorse ang mag-asawa kundi may production number din sila.
They were dancing and singing na nakatutuwang panoorin.
Isang Marisol ang may intrigang tanong.
“Bakit, ang dali namang pinalitan si Vice?”
May kinalaman daw ba ito sa isa niyang vlog kung saan ay nagbiro siya na bakit magbabayad gayong siya ang endorser ng food chain?