Advertisers
Ni NICK NANGIT
SA panahon ngayon na ang nagiging batayan ng kabataan at maging ng mga magulang nila na naging maluwag na sa usapang moralidad ng mga bata ay ang pagiging sanay na sa seks bago pa mauwi sa pagsasama o kasalan.
E hindi ba’t naglipana na ang mga hayok sa internet at sa social media?! Ambilis makakita ng kung anu-anong impormasyon tungkol sa seks. Kaya hindi natin maipagkakaila na ang mga kabataan ay may alam na sa isyu na yan, pero mangmang pa rin sa mga kahihinatnan kapag nakipagtalik na.
Kaya rin naman, nag trending sa mundo ng showbiz ang magkarelasyong sina Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz.
Ayon sa kanila, kahit mahirap, nanatiling virgin si Shaira hanggang sa kasal nila ni EA na siya namang ginalang at lalong hinangaan ng binata.
Ang sarap pakinggan, diba?! At dahil diyan, tignan natin kung ano ang sinasabi ng kanilang mga zodiac signs at animal signs.
Si Shaira ay isang Taurus Wood Pig. Una, matigas ang ulo ng Taurus. Pag sinabi niyang hindi siya magpapagalaw, kahit manigas ka diyan, hinding hindi niya babaliin ang kanyang sinabi. At bilang isang Pig, mahalaga rin sa kanya ang pagsasama na naaayon sa mga alituntunin o pamantayan para maging masaya ito. Kumbaga, sakto lang ang ugnayan nila ng Snake. Hindi sobrang compatible, hindi rin opponents.
Si EA naman ay isang Scorpio cusp Sagittarius Earth Snake. Kahit gustung-gusto nito na siya ang masusunod at maging malaya, yuyuko ito sa kagustuhan ng kanyang kaugnayan. Ang Scorpio kasi ay higher self ng Taurus. Ibig sabihin, may matututunan siyang aral sa Taurus. At likas na mapagbigay naman ang Sagittarius, dahil ayaw nito ang away. Negosyo o kabuhayan ang aatupagin ng Snake na siyang aalagaan naman ng Pig.
Sa usapin naman ng mga elemento, mangingimbabaw ang Wood sa Earth. Ayon nga sa mga Chinese, bibigay ang lupa para bigyang daan ang pagsibol ng kahit anong halaman. Kaya’t nakikini-kinita na natin sa kanilang relasyon na talagang ang magiging misis ang masusunod. Pero sa taong ito ng Dragon, maganda talaga na si EA ang magpapasiya, dahil mas magaan ang elemento ng taon sa kanya kaysa sa kapwa nito Wood.
At sa usaping numerolohiya, nakatutok si Shaira sa pagbuo ng pamilya, samantalang si EA ang magpapasaya rito, dahil sa kanyang pagiging malikhain.
Kung magpasya man sila na magkaisang-dibdib na, maganda ang taong ito, huwag lang sa panahon ng Ghost Month o Mercury Rx. At saka, kusa ang kanilang attraction sa isa’t isa, hindi pilit at hindi showbiz.
Kaya, para sa tanong kung uso pa ba ang virgin?
Oo naman, at mas nagtatagal ang relasyong may paggalang sa isa’t isa!
Hanggang dito na muna ulit at abangan na lamang ang serye sa pag-aaral ng Astrolohiya na mapapanood ninyo sa 89.5 The Playroom simula ngayong Pebrero 2024. Para sa iba pang mga panayam at paksa na may kinalaman sa Taon ng Dragon, kababalaghan, o kaya’y batas, mag Subscribe lang, Watch, Like, Share, at iClick ang Bell, para sa mga notifications at updates sa bahay ni Nickstradamus sa YouTube.
Light Love and Life sa inyong lahat, lalo na kay R, Namaste!