Advertisers
NAWALA na ang “power” ni Apollo Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at nagsabing “annointed” siya ng Panginoon.
Kung noong panahon ni Digong Duterte sa Malakanyang ay nagagawa niyang “pahintuin” ang lindol at nangyayari ang gusto niyang gawin sa mga kumakalaban sa kanya, nabaliktad na ito lahat ngayon.
Oo! Nagtatago na ngayon sa Quiboloy. Natatakot raw siya sa kanyang buhay. May natanggap daw kasi siyang info na ipinalilikida siya ng US government. Araguy!!!
Si Quiboloy ay nasa most wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil umano’y serious human rights abuses kabilang ang panggagahasa ng mga menor de edad.
Malamang na iparesto rin siya ng Senado at House kapag hindi sumipot sa subpoena ng mga mambabatas kaugnay ng mga reklamong pang-aabuso sa kanyang mga dating miyembro sa KOJC, at mga paglabag ng franchise ng kanyang Sonshine Media Network International (SMNI).
Sa kabila ng mga kinakaharap niyang problemang ito, nagyayabang parin si Quiboloy. Aniya, ang mga reklamo sa kanya sa Kongreso ay politika lamang.
Tungkol sa reklamong panggagahasa sa mga dati niyang miyembro sa KOJC, sinabi niyang ang mga babae ang lumalapit sa kanya, inaalok sa kanya ang kanilang sarili, dahil hindi siya kasal, mayaman at gusto lamang ng mga babaeng ito na yumaman din. Pero hindi raw niya pinatulan ang mga ito, kaya binabaliktad siya.
Si Quiboloy ay naging presidential “spiritual adviser” ni Digong, na anuman ang gustuhin niya noon ay nagagawa niya.
Ngayong wala na sa kapangyarihan si Digong, naglabasan ang mga taong inabuso nila noon. Sinisingil na sila sa kanilang kabuktutan.
Sinasabing lumipad na sa China si Quiboloy. Pero may info na nasa Mindanao lang ito nagtatago.
Powerless na si Quiboloy. Naglaho na ang kapangyarihan ng “haplos” sa kanya ng Diyos.
Tandaan: Walang forever sa power. Nasa Diyos lang ang forever. Amen!
***
Sinelyuhan na ng 53 sa 60 kongresista sa Mindanao ang ambisyon ni Digong Duterte na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Sa manifesto ng mga kongresista sa Mindanao, sinabi nito na dapat papanagutin ang grupo na gusto pagwatak-watakin ang mga Filipino. Araguy!
Maaalala na noong Enero 28, 2024, sa isang protest rally sa Davao City nanawagan si Duterte kasama si Congressman “Bebot” Alvarez sa mga Mindanawon na humiwalay na sa Piliponas dahil napapabayaan na raw sila.
Nanawagan din si Duterte sa militar at pulisya na kumilos para maayos ang problema ng Pilipinas. Kasi adik daw ang presidente, nasa PDEA drug watch list, tamad, etc…
Pero ang mga ataking ito ni Duterte ay bumalandra lang sa kanya. Kasi nga anim na taon siyang naging presidente, nagkaroon ng bilyon bilyong intelligence funds pati ang kanyang mga anak na kongresista at mayor pero hindi naman nila naayos ang ekonomiya ng Pilipinas partikular ang Mindanao, sa halip ay nabaon sa P14 trillion na utang ang bansa at nagkalitse-litse ang relasyon sa ibang mga bansa.
Huwag bibitaw…