Advertisers
UMAASA si Jerwin Ancajas na masundan ang yapak ng 10 Filipino fightes na nagwagi sa world boxing championship sa Japan kapag nakasagupa ang WBA bantamweight ruler Takuma Inoue sa nakatakdang 12-round bout sa Ryogoku Kokugikan National Sumo Arena sa Sumida City, Tokyo Sabado ng gabi. Ayon sa The Sporting News na Ontario betting station, Inoue ang 275 favorite habang si Ancajas ay +225 underdog.
Kokugikan ay parehong venue kung saan si Gerry Penalosa ay umiskor ng 12-round decision laban kay Hiroshi Kawashima para isukbit ang superflyweight title noong 1997 at kung saan si Joma Gamboa ay pinabagsak sa parehong split 12-round verdict kontra Noel Arambulet ng Venezuela para masungkit ang bakanting WBA minimumweight throne noong 2000. Ito rin ang arena kung saan pinatulog ni Flash Elorde si Terou Kosaka sa 12th round para mapanateli ang kanyang world junior lightweight crown noong 1964.
Ang kapatid ni Penalosa Dodie Boy ay nakuha ang lightweight belt sa 12th round stoppage kay Satoshi Shingaki sa Osaka noong 1983.Ang Penalosa brothers ang may ari ng tanging pagkakaiba na Filipino brothers na nagwagi ng world titles sa Japan. Ang iba pang Filipinos na nagwagi ng titulo sa Land of Rising Sun ay sina Bernabe Villacampo, Erbito Salavarria, Morris East, Luisito Espinosa, Milan Melindo, Vic Saludar at Melvin Jerusalem.
Villacampo pomuste ng unanimous 15-round decision kontra Hiroyuki Ebihara para sa WBA flyweight strap sa Osaka noong 1969. Tinalo ni Salavarria si Susumu Hanagata on a split 15-round verdict para ibulsa ang WBA flyweight title sa Toyama noong 1975. East pinatigil si Akinobu Hiranaka sa 11th round para isako ang WBA superlightweight diadem sa Nippon Budokan, Tokyo noong 1992. Espinosa umiskor ng unanimous 12-round decision laban sa Mexico’s Manuel Medina para ibulsa ang WBC featherweight title sa Korakuen Stadium, Tokyo noong 1995. Melindo dinispatsa si Akira Yaegashi sa one round para sa IBF lightflyweight crown sa Ariake Colosseum, Tokyo, noong 2017. Saludar dinaig si Ryuya Yamanaka via a unanimous 12-round verdict sa Kobe noong 2018. At nakaraang taon ,pinabagsak ni Jerusalem si Masataka Taniguchi sa two rounds para sa WBO minimumweight belt sa Osaka.