Advertisers

Advertisers

Pacman d Olympian?

0 21

Advertisers

Nakakatuwa na mga retirado sa PBA ay involved pa rin sa paborito nating sport.

May mga coach na, may bahagi ng PBA Legends na may mga exhibition game sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at nakakarating pa sa ibayong dagat at mayroon mga nagtuturo sa mga cage clinic

Si Bal David nagtayo ng NSD basketball camp. Makakasama niya sa proyekto mga dating mga taga Ginebra na sina Marlou Aquino, Noli Locsin at Vince Hizon.



Si Pido Jarencio balik head coach sa UST. Kahit may event sa main gym ng UST ngayong weekend ay tuloy ensayo nila sa ibang venue.

Si Onchie de la Cruz nag-organisa ng isang friendly match noong isang araw sa isang open court sa Tondo. Nadala niya doon sina Harmon Codiñera at Paul Alvarez. Itong laban ay naganap sa pakikipagtulungan ng grupong BOYAA.

Siya ang espesyal na bisita natin sa OKS@DWBL 1242 khz sa Lunes.

Hayan aktibo pa rin sila kahit nagkaedad na.

Masaya mga tagahanga nila at napapanood pa rin sila kahit paano.



***

May mga ulat na kinukuha muli ng Gin Kings si Greg Slaughter na kasapi ng isang koponan ngayon sa Japan B-League.

Magpapa-release daw sa kontrata at magiging teammate muli nina LA Tenorio sa GSM

Pero teka hindi ba hawak na ng Northport ang rights sa kanya?

Pati raw si Mickey Williams kinukuha rin ni Tim Cone para sa Barangay Ginebra. Magkakaroon ba sila ng trade ng TNT?

Aba nais talaga ni Cone makabawi sa susunod na conference kaya nagpapalakas ng line ip.

Kaso lalo lang mangingibabaw ang mga team ni RSA niyan.

***

Wala raw selosan o inggitan sa panig ng coaching staff ayon kay active consultant Leo Austria.

“ Lahat kaming mga bench tactician ng SMB masayang-masayang sa unang titulo sa ilalim ni HC Jorge Gallent.” wika ni Austria na pinalitan ni Gallent.

“Basta gusto namin kahit sino pa head coach ay magwagi pa ng mas maraming korona ang Beermen na pinakamatagumpay na prangkisa sa pro league , “dagdag ng dating taga- Adamson.

Si Ato Agustin na bahagi rin ng brain trust ng team ay minsan na rin umupong lead mentor ng mga magseserbesa.

Sabi ni Pepeng Kirat sana nga raw tunay ang ganitong sitwasyon. Kuny sabagay may trabaho at suweldo pa rin daw naman sila.

***

Tanggap na pala ni Manny Pacquiao na hindi na siya pwedeng maging Olympian nang tinanggihan ang apela niyang makalahok sa Paris Olympics ngayong taon.

Hanggang 40 años lang kasi maximum age sa mga atleta sa Olympiada.

Sana kung pangarap talaga ng anak ni Aling Dionesia na matawag na Olympian ay noon pa siya humiling sa IOC.

Kaso inuna niya maging politiko, basketbolista at artista. Kung sakali siya sana unang gold medalist natin at hindi si Hidilyn Diaz.