Advertisers
SA gitna ng kakulangan ng mga nurse at doctor sa Pilipinas, ibinida ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Healthcare Sector Group ang mga naitala raw nitong tagumpay sa pakikipagtulungan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang mga hakbang na ito, na tinalakay sa ika-5 na pulong ng PSAC Healthcare Sector Group, ay nagpapakita ng dedikasyon ng pampubliko at pribadong sektor sa pagtugon sa isyu na ito na nagpapahirap sa ating bansa.
Pinangunahan ni Paolo Borromeo, Pangulo at CEO ng Ayala Healthcare Holdings Inc., ang PSAC Health Sector Group sa pagpapakita kay Pangulong Marcos ng ilang “quick wins” na nakamit sa pamamagitan ng collaborative efforts.
Kasama rito ang mga programa tulad ng Clinical Care Associates Program, Enhanced Master’s Nursing Program, at mga bilateral labor agreements sa iba pang mga bansa na naglalayong maglatag at magpadala ng mga Filipino nurse.
Isa sa mga mahalagang inisyatibo ay ang Clinical Care Associates (CCA) Upskilling Program na naglalayong tugunan ang kakulangan ng mga nurse sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga underboard graduates.
Nasa 300 CCAs na raw ang kasalulkuyang nagtatrabaho sa mga ospital sa buong bansa. Upang suportahan ang kanilang pagiging ganap na mga nurse, naglaan ang Commission on Higher Education (CHED) ng pondo para sa mga board review na pagpapakita ng proaktibong pagtugon sa kakulangan na ito.
Bukod dito, binanggit din ng PSAC ang kahalagahan ng mga bilateral labor agreements sa iba pang mga bansa, kabilang ang isang pilot memorandum of understanding (MOU) sa Austria bilang isang mahalagang hakbang na may kinalaman dito.
Kung hindi ako nagkakamali, sa pamamagitan ng MOU na ito, magbibigay ang pamahalaan ng Austria ng scholarships at suporta para sa mga Filipino nurse na nagpapalawak pa ng mga oportunidad para sa trabaho at propesyunal na pag-unlad.
Kaakibat ang iba pang mga programa ng PSAC tulad ng Underboard Certificate Programs at Balik Nurse Campaign, ang inisyatibong ay nagpapakita ng kolektibong pagsisikap na kumprehensibong matugunan ang kakulangan ng mga nurse.
Binanggit naman ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mga kinauukulan na ahensya ng gobyerno sa PSAC sa mga inisyatibo na ito kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng multisectoral na pakikipagtulungan sa pagkamit ng konkretong mga resulta.
Sa panahon ng mga hamon sa ating sistemang pangkalusugan, nakakagalak na makita ang proaktibong mga hakbang na isinasagawa ng pamahalaang Marcos upang tugunan ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.
Tunay na ang kolaborasyon sa pagitan ng pribadong sektor at ng gobyerno ay nagpapakita ng diwa ng pagkakaisa at determinasyon sa pagharap sa mga hamon o hadlang at sa pagtataguyod ng mas malusog na kinabukasan para sa lahat ng mga Pilipino.
***
Catch Gilbert Perdez’s “Barangay 882” radio show every Saturday from 4:00 PM to 5:00 PM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, the DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ ON-DEMAND on YouTube. You can contact him via email at gil.playwright@gmail.com or through this number: 0991-3543676.