Advertisers
NASAWI ang tatlong indibidwal, kabilang ang isang bata, nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na bus sa Tagkawayan, Quezon.
Base sa imbestigasyon, lumihis ng takbo ang motorsiklo at napunta sa linya ng paparating na bus na kanilang nabangga.
Nakaladkad ng ilang metro ang motorsiklo dahil hingi kaagad nakahinto ang bus.
Kaagad nasawi ang rider, habang binawian ng buhay sa ospital ang dalawang angkas, kabilang ang bata.
Hindi pa pinangalanan ang mga nasawi.
Nasa kostudiya ng mga awtoridad ang driver ng bus.
Paalala ng pulisya: Mag-ingat sa paag-ovetake at pag-agaw ng linya sa highway.