Advertisers

Advertisers

TUBIG!!!

0 5

Advertisers

ANG sabi ng mga hydrologist diyan sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magtipi-tipid na tayo ng tubig simula ngayon, dahil ang ating mga dam raw ay patuloy na kinakikitaan ng pagbaba ng level ng tubig dahil sa paparating na El Niño phenomenon.

Ang Angat Dam nga raw na 98 percent na nagsusupply ng tubig sa Metro Manila na pinangangasiwaan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, ay kinakikitaan ng average na pagbaba ng tubig sa 0.9 meter na water level mula Feb. 1 hanggang February 8.

Yan daw ay nakikita rin iba pang dam sa bansa. Noon ngang Feb. 8, Ang tubig sa Angat daw raw ay nasa 209 meters. Mas mababa ng 0.21 meter kumpara sa nakaraang araw. Ang Binga dam naman na may 571.88 meters na level ng tubig ay short na rin ng 0.62 meter. Ganun din ang San Roque, dam at Pantabangan.



Di ko na babanggitin ang mga metro metrong pagbaba ng level ng tubig sa iba pang dam, masyado ng teknikal ang mga ito. Iisa lang ang indikasyon, darating ang panahon na magkakaroon tayo ng kailangan sa tubig.

Kung mangyayari, natural, wala tayong maipang-didilig sa ating mga pananim, mamimiligro ang kalagayan ng ating mga magsasaka at madadamay ang supply ng ating mga pagkain.

So ano ang impact? Siyempre kagutuman sa gitna ng pagmamahal muli ng presyo sa ating mga kinakain.

Malabo na rin na tayo ay umasa na sana ay bumagyo, eh pumasok na ang panahon ng tag-init. Lalong lalakas ang konsumo natin sa tubig, dahil kailangan tayong magpalamig. Maliligo ng dalawa o tatlong beses pa nga ang iba.

So ano ang mga kailangan nating gawin. Nakakatuwa nga, at ang mga hydrologist pa ng PAGASA ang nagsuggest at nag-paalala ng dapat nating gawin.



Kung magsisipilyo raw gumamit ng basing may tubig at huwag hayaang bukas at dumaloy ang tubig sa ating mga gripo. Malaking bagay nga naman ang maliit na gawaing ito kung lahat tayo ay susunod dito.

Mag-imbak, itabi o magrecycle ng tubig upang magamit pa sa pag-flush ng ating mga toilets. Marami pa ang paraan ng pagtitipid, pihado ako na alam niyo na rin ang mga ito. Kaya gawin niyo na ngayon palang. Para di na tayo sisigaw ng “Tubig” kung abutan tayo ng pagkawala nito.