Advertisers

Advertisers

Eala naabot ang bagong career-high sa world rankings

0 3

Advertisers

MULING umakyat ang rankings ng Filipina tennis ace Alex Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) Martes.

Sa Pebrero 26, Eala ay ranked 180th sa world, umakyat ng 8 baitang mula sa 188th sa Pebrero 19.

Sa kanyang bagong singles ranking, nakamit ni Eala ang career best, nahigitan ang kanyang dating best ranking, na 184th.



Ibinahagi rin ng 18-year-old Eala ang kanyang bagong rankings sa kanyang Instagram story.

Sa ngayon si Eala ay nasa Slovakia para sa susunod na International Tennis Federation tournament kung saan makakalaban niya sa rematch si Anna Bondar, na nagpatalsik sa kanya sa quarterfinals sa Portugal ngayon Miyerkules.