Advertisers
HINIKAYAT ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., ang mga lolo at lola na mag-80, 85, 90 at 95 ngayong taon na magpalista na sa Office of the Senior Citizens Affair (OSCA) para matanggap pa rin nila sa susunod na taon ang cash gift na P10,000.
Ito’y matapos na lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Republic Act No. 11982 kung saan maliban sa mga centenarian na umabot ng 100 taong gulang ay bibigyan na rin ng cash gift ang mga senior citizens na aabot ng edad na 80, 85, 90 at 95 anyos.
Paliwanag ni Revilla, hindi pa matatanggap ngayong 2024 ang cash gift dahil hindi naisama sa 2024 national budget ang pondo para sa expanded centenarians law pero ito ay retroactive naman o matatanggap pa rin sa susunod na taon.
Kaya ngayon pa lang ay hinihikayat niya ang mga senior citizens na magdiriwang ng kaarawan sa mga nabanggit na edad na magparehistro na ngayong taon para sa 2025 ay makukuha nila ang cash gift.
Mangangailangan aniya ng P2.2 billion na pondo para rito na maliit na bagay para masuklian ang mga nagawa at sakripisyo ng mga nakatatanda para sa ating bansa.
@@@
Samantala magandang balita din para sa mga senior citizens na nag-e-edad 80 hanggang 95. Ito ay dahil sa nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang bagong batas na Expanded Centenarians Act.
Sa ilalim ng bagong batas, makatatanggap ng sampung libong piso ang mga senior citizen na nasa 80-anyos.
Panibagong sampung libong piso ang matatanggap kapag umabot sa 85, 90 hanggang 95-anyos.
Sa kasalukuyang batas kasi, ang mga nag-e-edad ng 100 ay nakatatanggap ng P100,000.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi lang ang pinansyal na ayuda ang kailangan kundi maging ang mga imprastraktura para sa mga may sampung milyong senior citizen sa bansa.
Samantala, nilagdaan din ni Pangulong Marcos ang Tatak Pinoy Act na magpapalakas sa competence at talento ng mga genius at gifted na mga Filipino.
Hindi lang aniya ito isang simpleng branding ng Tatak Pinoy na magandang serbisyo kundi tatak ng great workmanship.
Nilagdaan na ni Pangulong Marcos ang dalawang bagong batas sa Palasyo ng Malacañang.
***
Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com