Advertisers

Advertisers

‘Serbisyo Venancio’ ‘di nabigo sa Unang Distrito ng Tondo!

0 15

Advertisers

Talaga namang sa unang isang daang araw pa lamang sa serbisyo ni Manila SK Federation PRO Joey Venancio Jr.. ipinakita agad na hindi magsisisi at hindi niya makalilimutan ang kanyang barangay.

Bukod sa madalas itong makita sa mga programa sa iba’t-ibang parte ng Maynila kasama si SK Federation President Juliana Ibay, makikita rin na umaapaw ang kanyang mga programa sa sarili niyang barangay.

Sa loob ng isang daang araw na pagseserbisyo ni Venancio marami na agad itong nagawa para sa kanyang mga ka-barangay at ang ilang sa mga ito ang pagsasagawa ng medical mission noong Nobyembre at Disyembre; 2 araw na basketball league; pamamahagi ng bola sa Brgy. 43 sports clinic; pamamahagi ng 32 tablets sa mga mag-aaral ng daycare center ng nasabing barangay; libreng gamot; nagsagawa ng ML tournament; paglagda ng Memorandum of Agreement para sa job fair; procurement ng mga punla para sa Urban Gardening Initatives; procurement ng mga sports equipment para sa basketball clinic; pamamahagi ng mga bitamina para sa mga senior citizens; at ang paglulunsad ng libreng educational film shows para sa mga kabataan.



“Simula pa lamang po ito ng ating pagseserbisyo. Wala pa po ito sa mga gusto kong gawin para sa unang distrito ng Tondo,” pahayag ni Venancio.

Edukasyon, trabaho, kalusugan, at pagiging boses ng kabataan ang ilan lamang sa mga adbokasiya ni PRO Venancio.

At sa mga darating na araw, siguradong isa na rin si Venancio sa mga magiging boses sa Konseho ng Maynila.