Advertisers

Advertisers

Standhardinger, Fajardo top picks sa PBA All-Star

0 4

Advertisers

Barangay Ginebra slot man Christian Standhardinger at San Miguel Beer’s star big man June Mar Fajardo ang lumitaw na top picks para sa Team Japeth Aguilar at Team Mark Barroca sa ginanap na 2024 All-Star Draft Lunes ng gabi sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.

Pinili ng Team Japeth ang 6-foot-8 Standhardinger matapos magwagi sa toss coin, habang ang Team Mark bumaling sa Cebuano big man.

Ang All-Star game ngayon season ay gaganapin sa Bacolod, tumatak na unang pagkakataon sa City of Smiles ang host ng Annual PBA spectacle simula noong 2008 ng supilin nang South All-Stars ang kanilang North counterparts sa overtime, 163-158, sa likuran ng hot-shooting All -Star MVP Peter June Simon.



Ang nakaraang PBA All Star ay ginanap sa Passi, Iloilo, Kung saan ang Team Japeth ay nilupig ang Team Scottie,140-136, at si Paul Lee ang tinanghal na MVP.

Ginebra head coach Tim Cone ang titimon sa Team Aguilar, habang ang bagong hulma PBA champion Jorge Gallent ng San Miguel Beer, ang gagabay sa Team Barroca.

Standhardhardinger at Fajardo ang lumutang na top picks sa kanilang kanya-kanyang All-Star teams sa pangalawang magkakasunod na taon simula ipatupad ang ganitong pormat nakaraang season.

Matapos mapili ang Fil-German center, Kinuha ng Team Japet ang PBA season 46 Most Valuable Player Player Scottie Thompson, Magnolia’s sweet-shooting guard Paul Lee, TNT’s Calvin Oftana, athletic Gin King Jamie Malonzo, Meralco’s Chris Newsome, San Miguel’s Don Trollano at Marcio Lassiter, NorthPort’s Arvin Tolentino, Ginebra guards Maverick Ahanmisi and Stanley Pringle, kasama ang Phoenix guard Tyler Tio at Beermen Terrence Romeo.

Samantala, makakasama ni Fajardo sa Team Mark ay sina Phoenix forward Jason Perkins, San Miguel star CJ Perez, NLEX guard Robert Bolick, Magnolia’s Jio Jalalon at Ian Sangalang, Blackwater’s James Yap, Hotshot Calvin Abueva, Jayson Castro of TNT, Gabe Norwood ng Rain or Shine, Fuel Master rookie Ricci Rivero, Meralco’s Cliff Hodge, Juami Tiongson ng Terrafirma, at Nards Pinto of Ginebra.