Advertisers
AGED to perfection.
Kumbaga sa wine habang nagkakaedad ay lalong nagiging swabe at ang spirit nito ay ‘sintaas ng tanghal sa pededtal.
Siya ang isa sa mga prominente at pinagpipitagang pigura di lang sa PBA kundi maging sa iba pang ligang komersyal at collegiate sa bansa?
Siya si super manedyer Danny Espiritu, always in high spirits, di halatang nagkakaedad, approachable at mas pamoso sa basketball players dahil siya ang nagpanimula ng karera at umuukit ng kapalaran ng mga manlalaro na nasa kanyang timon mula sa pagiging bagito hanggang superstardom na estado sa lokal man o hanggang sa international.
Kapag ang isang upcoming cager ay napansin ni ‘Bos Danny ang potensyal, parang pukol pa lang ng isang asintado sa tres ay ‘ ilista mo na!’..dahil nasa mabuting kamay na ni bos Danny ang karera sa basketball ng protege.
Ano ang pormula sa staying power ni super players’ manager DannyE.?
Tiwala at respeto, hindi kontrata ang pinakamahalagang elemento para sa maayos at matiwasay na ugnayan ng players at agent/manager.
Mismong si Danny E, itinuturing na pinakamatagumpay na player agent/manager sa local professional basketball, ang nagbigay ng butil na aral para sa mga bagong sumisibol na players agent/ manager na tumatawid sa industriya.
“Hindi mo kailangang dominahin ang mga players, papirmahin sa kontrata dahil gusto mo. Kung ano ang nais ng player, yun ang ilapit mo sa mga team owners kung ayaw nila sa ipakita mo sa player , bigyan mo ng option,” sambit ng tinaguriang ‘Bos Danny’ sa pro league community.
Sa mahigit tatlong dekada sa industriya, umabot sa 100 plus ang natulungang players ni Espiritu na nakalaro sa PBA kabilang ang mga legends nang players tulad nina Ato Agustin, Art Dela Cruz, Paul Alvarez, Kenneth Duremdes, Mark Caguioa at Scottie Thompson.
“Ako since 1987, hindi ako nagpapapirma sa mga players na ako ang agent nila o manager. Tinutulungan ko sila, after that bahala sila kung kilalanin pa rin nila ako. Ayaw kong yung ugnayan namin ay dahil sa pera, turing ko sa kanila pamilya,” pahayag ni Espiritu sa panayam ng TONITE PF na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Iginiit ni Espiritu na mas malaki ang epekto sa hanap-buhay ng agent/manager kung sakaling unahin mo ang makukuha mong komisyon at gamitin ang kontrata para pilitin ang mga players na manatili sa yo. Kung ayaw ng players , hayaan mo siya na humanap ng iba,” sambit ni Espiritu.HIGH FIVE ageless super manager!
Lowcut : Special advance birthday greetings kay Ms Lorry Pasicolan( March 1) vice president ng FFCI Taiwan .Kudos to president Rose Arbiol Obida at secretary Gemma Robles. Sila ang mga tunay na ka-FLM na katuwang parati sa mga programang pagtulong ni Humanitarian champion Dr. Francis Leo Marcos PhD dito sa bansa.Shoutout sa kanyang true friends sa Taiwan na sina Sarah Darez Buena,Jhopay Estrada,Ma.Theresa Bheng Montes,Lhea Verzo,Liezl Avarro Jocosing ,Rubi Rica,Ellen Chen at Joanna Marie Mendes. Mabuhay ang mga Pinay sa Taiwan, mga modernong bayani ng bansa…see you all in Manila in the near future!