Advertisers
Kumpirmado sa ginawang surveillance operation ng isang elite police unit ng NCRPO ang iligal na operasyon ng isang beer garden cum PUTAHAN sa kahabaan ng FB Harrison,Barangay 26, Pasay City.
Ang watering hole na nagpositibo sa pagpapalabas ng nude shows ay ang YANGKOU Club na umano’y pag- aari ng isang alias Kagawad Zaldy at pinamamahalaan ng isang JUN BUGAW alyas JUN TABA.
Tatlong beses sa isang gabi umano ayon sa nasabing intel report nagpapalabas ng lewd shows ang nasabing establisimiyento na napag- alaman nag-o-operate ng walang kaukulang dokumento gaya ng business permit,working at health clearances ng mga dancers, GROs at iba pang empleyado ng club.
May VIP room din umano ang nasabing BEERHOUSE na naniningil ng halagang 3,500 hanggang 5K para sa sex services.
Isang alyas Ericka naman umano ang tumatayong
Mama San ng YANGKOU Beer Garden na umano’y nagbibigay ng lingguhang payola sa Pasay PNP.
May ilang taon na rin umanong nag- o- operate ang nasabing BEERHOUSE na may ilang ulit na rin ni- raid at naaktuhan sa opisyo ng prostitusyon.
Samantala,nananawagan ang mga concerned citizens ng FB Harrison patungkol sa iligal na operasyon ng naturang BEERHOUSE na di lamang bumababoy sa imahe ng kanilang lugar kundi malaking banta rin sa seguridad ng mga residente mula sa mga lasing na kostomer ( spill over ) ng nasabing beer joint sa disoras ng gabi at madaling- araw.
Ipinanawagan din ng mga residente ng Barangay 26 sa pamumuno ni Kap Richard Advincula na aksyonan at ipahinto ang operasyon ng nasabing establisimiyento at busisiing mabuti kung paano itong nakapag- operate ng iligal at labag sa pamantayang moral dahil sa presensiya ng kalaswaan opisyo ng prostitusyon.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com