Advertisers

Advertisers

Due to insistent public demand… Manila Clock Tower Museum bukas na kahit weekends – Mayor Honey

0 11

Advertisers

DAHIL sa kagustuhan ng publiko, ang Manila Clock Tower Museum ay bukas na sa publiko kahit weekends.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Honey Lacuna, na nagsabi na ang simula ng weekend operations ng museum ay sa March 2, 2024.

“Now, you can enjoy our museum even on Saturdays and Sundays,” sabi ni Lacuna.



Nabatid mula kay Jose Ma. D. Belmonte, Project Head of the Manila Clock Tower Museum, na ang museum ay maaaring bisitahin 10 a.m hanggang 3 p.m. mula Martes hanggang Linggo.

Kamakailan lamang, ang museum ay tinanghal bilang Golden LEAF Presidential Awardee ng ‘Philippine LEAF Awards Tertulia at Parangal 2024’, isang award na kumikilala ng integrity, creativity and excellence sa Philippine live entertainment, performing arts, fashion and festivals.

Ang ‘LEAF Awards Tertulia at Parangal’ ay ginanap noong February 8, 2024, sa isang red carpet event na nagsimula ng 1 p.m. sa iconic Manila Metropolitan Theater.

Bago ito, noong November ng nakaraang taon ang museum ay pinarangalan ng National Commission of Culture and the Arts (NCCA) bilang grand winner sa MGM 2023 AVP Museum Competition.

Ang Manila Clock Tower, na natapos noong 1930, ay dinisenyo ng Filipino Neoclassical artist at architect na si Antonio Toledo.



Dahil sa pandemic, ang pagbubukas sa publiko ng rehabilitated clock tower ay naudlot, hanggang sa ituloy ito noong October 2022.

Ito ay pormal na pinasinayaan at binuksan sa publiko nina Lacuna at tourism chief Charlie Dungo at inilunsad bilang was major tourist attraction and historic landmark.

Makikita dito ang makulay na kasaysayan ng Maynila gayundin ang modern art galleries na may changing art exhibits. Ito ay may taas na 100 talampakan kaya naman itinuturing ito bilang biggest clock tower sa bansa.

Ayon pa kay Belmonte, ang mga karagdagang exhibits na itinatampok habang sinusulat ito ay ang ‘Raising the Bar,’ ‘Spectrum Exhibit’ at ‘Woven Exhibit.’ (ANDI GARCIA)