Advertisers
NANINIWALA ang pamilya ng batikang aktres na si Jaclyn Jose na walang ‘foul play’ sa pagpanaw nito, batay sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Colonel Jean Fajardo, Chief PNP Public Information Office (PNP-PIO), tumanggi na ang pamilya ng aktress na pag-usapan ang detalye ng pagkamatay nito.
“In deference sa request ng family for some privacy ay we opted not to discuss further the case involving Ms. Jaclyn Jose but suffice to say na the family opted not to further discuss the case,” pahayag ni Fajardo.
Aniya, naniniwala sila na walang foul play. “So let us leave it at that upon request ng family”
“Nakikiramay tayo doon sa mga naiwang mahal sa buhay at mga kaibigan ni Ms. Jaclyn Jose” pahayag ni Fajardo.
Ang pagkamatay ni Jose ay inihayag ng talent management agency, PPL Entertainment sa Social Media, kungsaan ang actress, na namayapa nitong Sabado, March 2, nguni’t hindi sinabi ang sanhi ng pagpanaw nito.
Pumanaw si Jacklyn sa edad 59 anyos. (Mark Obleada)