Advertisers

Advertisers

Andrea tinawag na ‘love’ si Kyle

0 8

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA YouTube channel ni Andrea Brillantes, sumalang sa “Jowa Challenge” si Kyle Echarri.

Sa nasabing YouTube channel, ipinaliwanag din ni Andrea ang kumalat na photos nila noon ng actor na sighted silang nagde-date.



Ani Blythe, ang mga litrato raw na iyon kung saan sila sighted sa isang mall ay bahagi ng kanyang vlog content.

Kaso, noong kinukunan daw ang nasabing video ay nakalimutan ni Andrea na i-on ang kanyang microphone kaya naman wala siyang choice kundi i-reshoot ang mga nabanggit na eksena nila ni Kyle.

Sa re-shoot, pumapel si Kyle bilang dyowa ni Andrea for a day.

Sa simula ng vlog, may pa-flowers pa ito at love letter na ibinigay kay Blythe sa kanilang date.

Habang naglalakad din sila ay mapagkakamalan mo talaga silang magdyowa dahil sa hawakan at titigan nila sa isa’t isa.



Sa kotse, tinawag pa ni Andrea na ‘love’ si Kyle samantalang hinalikan naman ng huli ang una with matching ‘paamoy-amoy.’

Nag-date rin sila sa isang museum na nasa bucket list ni Blythe.

Nang maurot naman si Kyle tungkol sa pagseselos, sinabi ng actor na seloso raw siya pero okay lang daw sa kanya ang magkaroon ng selosang girlfriend dahil tanda raw ito ng pagmamahal.

Sa huli, binigyan din ni Kyle ng royal treatment si Blythe.

Napansin kasi niyang habang naglalakad sila ay hirap si Andrea sa suot nitong heels.

Kaya naman para mapawi ang dusa nito ay nag-volunteer siyang ibigay ang kanyang suot na shoes sa dalaga.

Ang ending, ang Kapamilya actor ang naglakad ng naka-medyas at suot ang kanyang heels.

Pagbibida naman ni Andrea, hindi raw doon natatapos ang kuwento dahil binilhan pa siya ni Kyle ng bagong sapatos.

Gayunpaman, hindi raw niya maipakita ito sa kanyang vlog dahil sa new endorsement ni Kyle na malamang ay kakumpentensya ng brand na binili ng actor para sa kanya.

Nagpasabog naman ng  kilig feels ang kanilang bonding bilang magdyowa. Feeling naman ng kibitzers, magdyowa na talaga ang dalawa dahil sa kanilang galawan.