Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA post ng solid fan ni Alden Richards ay may nilagay ito sa kanyang Tiktok account nito lang Mayo taong kasalukuyan.
Sa lamay nga ng yumaong premyadong aktres ay garalgal na nagsalita si Alden at inalala ang mga panahon na nakatrabaho nito si Jaclyn Jose or Tita Jane.
Sa pagbabalik tanaw ni Alden nung ginagawa pa nila ang seryeng Ang Mundo Mo Ay Akin noong 2013 sa GMA, napasabu si Jaclyn na “Ah wala.” ibig sabihin di kunbinsido ang mahusay na aktres sa akting ni Alden noon sa kanilang serye.
Hanggang magsama sila ulit sa Ilustrado noong 2014 at sa World Between Us nitong 2021-2022 at sa mga seryeng nabanggit ay nag- improved na raw si Alden at tinawag na ito ng namayapang aktres ng bunso.
Kaya kahit si Alden ay nakatikim ng pamumuna sa kanyang Tita Jane na ginawa niyang challenge para humusay pa sa akting.
Kahit wala na nga raw si Tita Jane ay mananatili pa rin sa puso ni Alden ang magandang alaala ng premyadong aktres.
***
MUKHANG magpapaalam na raw sa ere ang Love. Die. Repeat nina Jennylyn Mercado at Xian Lim.
May nagsasabi na mababa umano ang rating ng LDR.
Kung lumalaban nga raw ang LDR nina Jennylyn at Xian ay bakit daw last three weeks na lang ang nasabing serye?
Kaya masasabi na mini-series lang daw ang serye nina Jennylyn at Xian na nagsimula lang nitong January 15, 2024.
Para raw itong Love Before Sunrise nina Dennis Trillo at Bea Alonzo kasama sina Andrea Torres at Sid Lucero na maituturing ding isang mini-series na nagsinula noong September 2023 at nagtapos ng December 2023.
May mga netizens naman na isinisi kay Xian ang pagtatapos ng LDR.
Unfair naman daw na isisi sa actor ang nangyayari sa serye.
Di naman pala kataka-taka na ang KimPau (Kim Chiu at Paulo Avelino) pala ng Linlang ang katapat ng LDR kaya hindi raw kinaya ng LDR ang nasabinh tambalan.
Nakakuha umano ng simpatiya si Kim sa kanilang split up ng ex-bf na si Xian kaya humataw ang Linlang kaysa LDR.
Well, well, well… ‘Yun na!