Advertisers

Advertisers

PBBM NAKIDALAMHATI SA PAGPANAW NG 2 PINOY SEAFARERS

0 5

Advertisers

NAGPAABOT ng pakikiramay at pakikisimpatiya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang buong bansa, sa pamilya ng dalawang Pilipinong seafarers na nasawi sa pag-atake ng Houthi sa barkong True Confidence sa Red Sea at Gulf of Aden.

Ayon kay PBBM, mahigpit ang koordinasyon ng pamahalaan sa mga pamilya ng mga biktima, at tiyak na dadalhin ang kanilang mga labi sa bansa.

Magbibigay din aniya ng tulong gobyerno sa iba pang seafarers na naapektuhan ng pangyayari.



Sinabi ng Pangulo na ang 13 Pilipinong seafarers na nakaligtas, kasama na ang tatlo na nasugatan sa pag-atake, ay ligtas na nasa Djibouti at tinutulungan ng embahada ng Pilipinas sa Cairo upang makabalik nang ligtas sa bansa sa lalong madaling panahon.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Department of Migrant Workers (DMW), Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng tulong sa mga seafarer at sa kanilang pamilya.

Dagdag pa ng Presidente, ang Pilipinas ay nakikiisa sa pandaigdigang panawagan para sa pagtatapos ng ganitong kaguluhan, at pagsunod sa prinsipyo ng kalayaan sa paglalayag.

Maliban dito, binigyang-diin niya na patuloy na nakatuon ang gobyerno sa kaligtasan at kagalingan ng ating mga seafarer at overseas Filipino workers sa rehiyon. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">