Advertisers
Ni BETH GELENA
IN-acknowledge ni Sarah Geronimo ang ina na si Mommy Divine sa isang panayam.
Natuwa ang netizens sa gestures na ginawa ng Popstar Royalty.
Ginawaran si Sarah bilang Global Force Honoree ng BBC Women in Music kamakailan.
Ani Sarah sa pangaral na binigay sa kanya ng Billboard Music, “it means having that power to influence people, and it also comes a big responsibility.”
Sey ng followers ng singer, “lakas maka-Miss Universe ng interview.”
“eto yung sobrang nakakahanga sa babaeng ito. CONSISTENCY. regardless sa gusot with mommy d, nagpakumbaba at never sumuko sa pagsuyo sa magulang.”
“Kinilabutan ako when she mentioned her mom. Bait ni Sarah talaga. They will be okay.”
“True. Her mum will regret a lot of things for sure.”
“Sana nakikita ng Mom nya na masaya yung anak niya sa naging decision nya sa buhay.”
“Did she answer the questions? Parang nahilo ako sa sagot nya..”
“Hindi lang sya sanay. Iba din kasi kapag nasa foreign stage ka na and di mo maipasok ang madamdamin mong tagalog na sagot or mga banter. Yaan mo na. She did the best she could.”
“Sa iba ka lang naka focus and yes, tama at maganda ang sagot niya. Nasa X ang transcript for your reference.”
“Uy mommy divine matigas parin ba puso mo? Sana haplusin ni God at maging ok na kayo”
“jusko nagkalat pa sa ibang bansa. sana tinuruan ni matteo bago isinalang”
“Hindi naman siya nagkalat. Feeling mo lang siguro yun.”
“Sarah is truly a good daughter despite everything that has happened.”
“Di sia sanay mag English at obvious na kabado sia. Pero ok lang yan Sarah.”
“Nakaka bother ang buhok ni sarah mukha siyang matrona”
“Parang di natapos sa salon si sarah”
“Bakit di siya marunong sumagot nang maayos? Sinabihan siyang talented tapos binalik niya patanong pa. Tapos etong women empowerment question e men ang pinuri niya.”
“TH aling sarah nyo mag english grabe sa pagkakalat.”
“I wont call it TH kase yan yung language na kelangan nyang isagot dahil shes in an english speaking country. TH yung pag asa pinas pero pa conyo at push mag english. I guess right term jan is di sha marunong sumagot. Sabog ang train of thought nya. Kaya na confused yung naka pink sa gitna”
“Ok sya at nakakaproud pero juicekolord ang buhok nagmukhang tweety bird”
***
KIM KINAALIWAN KAMAG-ANAK NI PICACHU
KINAALIWAN si Kim Chiu sa post niya tungkol sa umano’y pinsan niya.
Sa repost ng chinita princess sa kanyang X kaugnay sa isang meme kung saan pinagtabi niya ang self photo at ang Pokemon character na si Pikachu.
Matatandaang may kumalat na meme tungkol sa umano’y pagiging mag-kamag-anak nina Kim at Pikachu.
Sinakyan ni Kim ang birong yun at nagtanong kung bakit naroroon ang pinsan niya.
Umani ng mga komento at reaksiyon ang post na ito ni Kim sa Twitter.
Marami ang naaliw at natawa sa post na ito ng TV host/actress.
Narito ang mga komento ng netizens:
“Huyy ang witty si pikaChiu Pika Chiu hahahaha”
“Pika pika! Pika Chiu. Pang ilang kapatid ng Papa mo ang may anak kay Pika Chiu? Hahahaha”
Naka-move on na nga si Kim sa kanyang pinagdadaanang heartaches.
Nakukuha nya na uling makipagbiruan sa netizens.
On and off ang pagrereport niya sa It’s Showtime because of heartache pero knows naman ng mga kasamahan niya sa noontime show ang pinagdadaanan ng aktres.
Sa post nga ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho.
Sa pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw.” Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na “It’s Showtime.”
Busy ngayon ang aktres sa next TV series nila ni Paulo Avelino, ang What’s Wrong With Secretary Kim after ng hit serye nila ng actor na Linlang na napapanood pa rin hanggang ngayon sa free TV.
***
TAPE, INC. P800M UTANG SA GMA7 KAYA NAGSARA?
LAST airing ng Tahanang Pinakamasaya, nitong March 7.
Nagpaalam na ang TAPE, Inc. at pinasalamatan ang GMA-7 pati na ang kanilang televiewers.
March 8, ang effective ng kanilang paglisan sa Kapuso Network na matagal ding naging tahanan ng TAPE, Inc.
Komento ng netizens, “Sana lang nabayaran lahat ng TF”
“Pati nga raw sa mga current hosts nila hindi nakakabayad ng TF.”
“Laki cguro ng mga tf na inalok sa mga host na ang nasa puso lang naman gawin e matulungan ang staff ng TAPE at magpasaya”
Tanong naman ng isang commmenter, “ano ba talaga nangyari bakit lumaki yung utang ng TAPE? Yung 1 year delayed na sahod ng mga main hosts ang proof na matagal na problema yan kaya pumasok na yung mga may-ari para subukang maayos.”
“As per explanation by a tv industry insider dati, nangyayari talaga na may months na di masyado malaki ang kinikita lahat ng tv programs because those are the months na pinag uusapan pa ng companies ang budget nila for marketing. I think nataon ang mga buwan na yun dun sa airing ng Tahanang Pinakamasaya. But it doesnt mean lugi na ang program kasi once nag place na ng ads ang companies, ok na. Malaki pa rin ang earnings nila pag ikumpara ang annual gross earnings vs expenses. Not enough lang ang pumasok na ads sa TAPE during the past few months.”
“Naalala ko pa yung may pa contract signing sina Isko at Paolo, di rin pala magtatagal ang show.”
“kaya nga, tas sinali sali pa si paolo, di ba sila nagbabasa na ayaw ng tao kay paolo”
“How ironic, no? TVJ and Tuviera, walang kontrata then nagdala ng ilang dekada until may gustong makialam sa noontime show. Ok lang na mag-observe pero yung biglang major yung mga changes, malaki talaga masasakripisyo at madaming magsa-suffer.”
“Marahil nalugi na ang TAPE dahil nasa 800M daw ang utang nila sa GMA.”
“nung time pa ng TVJ yan di na nakakabayad. Ang taas ng kinita sa political ads pero milyon2 ang tine take home ng mga Jalosjos accdg to Tito Sotto. At araw2 namimigay ng pera compared sa Showtime. Malulugi talaga.”
“Ang tanong anong show ang ipapalit? Tiktoclock?”
“Kung una pa lang kasi pinaubaya nyo na yung title na Eat Bulaga sa TVJ at gumawa kayo ng ibang title baka hindi nangyari ito. NEGA na nga ang show nahawaan pa ng kanegahan ang mga hosts.”