Advertisers

Advertisers

Xian sinisi sa mababang ratings kaya tsutsugiin na ang serye katambal si Jennylyn?

0 13

Advertisers

Ni JIMI C. ESCALA

HINDI nagpang-abot sina AiAi Delas Alas at Vice Ganda nang mag-guest ang una sa programa ng huli. Kumbaga, nang mag-guest sa “It’s Showtime”ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na makita at makausap nang personal ng Kapusong si Ai Ai ang Kapamilyang si Vice.

Nope, walang isyu at hindi nag- iiwasan ang dalawa, medyo na late lang daw ang dating ni Vice at hindi raw naman ito aware na isasalang agad ang kaibigang si Ai.



Kaya ganun na lang ang paghingi ng paumanhin ni Vice kay Ai Ai at tinawagan pa ng una ang huli para lang humingi ng despensa, huh!

Well, anyway sa naturang guesting ni Ai Ai, kahit nagpapatawa ay ramdam ang pagiging emosyonal ng komedyana at halatang sobrang na- miss niya ang mga tao at kapaligiran ng dating tahanang nag-alaga sa kanya, huh!

After almost nine years ay ngayon lang nakabalik si Ai Ai sa compound ng Kapamilya network.

Taong 2015 pa nang huling matungtong si Ai Ai sa channel 2. At sa programang “It’s Showtime” rin ang last guesting ng sikat na komedyana bago ang paglipat niya sa Kapuso network, huh!

Lalong nagpatibay sa paniwala ng lahat na walang permanente sa mundo kaya dapat lang na maging mabuti tayo sa lahat ng mga nakakasama natin.



Don’t burn bridges, ika nga.

***

SA dating Kapamilya actor na si Xian Lim daw işinişi kung bakit mawawala na sa ere ang “Love. Die. Repeat”.

Very much unfair naman Ito kay Xian, huh!

Last Jan.15 lang ng taong ito umere ang nabanggit na GMA drama show pero dahil sa mahina raw sa ratings kaya tatapusin na ang  pinagbibidahan nina Xian at Jennylyn Mercado, huh!

Pero itinanggi naman ng isang kaibigang may konek sa Kapuso network ang naturang isyu, huh!

Kahit hindi raw kataasan ang rating pero hindi raw ito sadsad at kahit paano ay lumalaban pa rin sa kalabang serye, huh!

Take note na ang katapat na programa ng “LDR” Nina Jennylyn at Xian ay ang pinag-uusapan ng lahat na “Linlang” na bida ang iniwang ka- loveteam dati ni Xian na si Kim Chiu katambal ang napababalitang malapit sa puso ngayon ng Kapamilya aktres na si Paulo Avelino, huh!

So there, mas tinututukan at maaring mas kinampihan ng televiewers si Kim kaysa kay Xian, huh!