Advertisers

Advertisers

ANG LIBING NI KUMANDER COBRA

0 8

Advertisers

WALANG nagawa at di nabigyan ng “pagpupugay” ng New People’s Army ang burol at maging paglilibing kay Domingo Jaspe Compoc, a.k.a. Kumander Cobra, magdadalawang linggo na ang nakararaan sa Balilihan, Bohol.

Ang dahilan – mismong kanyang asawa na si Hermocila Villamor, na dati ring NPA ang naki-usap na nais nilang mairaos ang pagdadalamhati ng tahimik. Walang magarbong pagpapakita na ang namatay ay isang miyembro ng NPA.

Si Villamor na dating rebelde ay sumuko na noon pang 2016. Mayroon din silang anak na 29 anyos na naging NPA din ngunit mas naunang namatay sa kanyang ama noong nakaraang taon sa isa rin enkwentro laban sa mga tropa ng pamahalaan.



Kaya ganoon na lamang ang pakiki-usap ni Villamor, hayaang magpahinga na at manahimik na ang kanyang asawang si Kumander Cobra, na napaslang din sa isang enkwentro kamakailan lamang.

58 anyos lamang si Compoc na kung Minsan ay tinatawag ding “Ka Silong” nang mapatay sa sagupaan sa Purok 2, Matin-ao Dos ng Barangay Campagao, Bilar sa bayan ng Bohol noong Feb. 23.

Bilang lider ng ‘guerilla front’ may patong ang ulo ni Compoc na P2.6 milyong pabuya dahil sa patong -patong na kaso ng rebeyon, homicide, attempted homicide, theft, multiple murder, frustrated murder at robbery.

Para sa kanyang may-bahay, kung ito ay sumuko din noong panahon ng kanyang pagsuko, di mangyayari ang sinapit ng mahal sa buhay. Kaya nais niyang huwag na silang paki-alaman ng NPA sa panahon ng kanilang pagluluksa.

Di niya matanggap ang pangyayari, na siya ngang nagbalik-loob sa pamahalaan ay halos bumubuti na ang kalagayan dahil sa mga programa ng pamahalaan para sa mga magsisisukong mga rebelde.



Marahil, kung si Kumander Cobra ay sumuko din, kasama niya na ito sa kanilang pagbabago. Buti ang kabuhayan at muling tatanggapin ng lipunan.

Ngunit hindi. Napatay ito kasama ang apat pa, na kinilalang sina Hannah Cesista, isang batang abogada, Perlito Historia, Marlon Omosura at Alberto Sancho.

Kumikikig pa ang Communist Party of the Philippines na ang lima raw nilang NPA members ay di napalaban sa isang enkwentro. Kung di talagang pinagpapatay.

Yun ang di alam ng CPP-NPA, tuloy na tuloy ni Villamor ang lahat ng nangyari. Kaya ganun na lamang ang kanyang panghihinayang sa buhay ng kanyang mahal sa buhay.

Maging ako din naman ay manghihinayang sa buhay ng limang NPA na napatay sa labanan. Pero kung sila ay sumuko din, di mangyayari iyon.