Advertisers
MILYON MILYONG halaga ng ‘kush marijuana’ at iba pang iligal na droga ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Custom (BoC) sa isinagawang seaport interdiction sa South Harbor Port ng Manila, Huwebes ng gabi.
Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, 6:00 ng gabi nang magsagawa ng interdiction operation ang pinagsanib na mga elemento ng PDEA SIU-POM, PDEA IV-A BOC at Manila Police District sa examination area, container Freight Station 3 ng Manila International Container Port Tondo, Manila.
Narekober ng mga operatiba sa 5 balikbayan boxes na naglalaman ng 122 foil pack na marijuana kush na may 122 kgs. na tinatayang nagkakahalaga ng P146,400,000.
Sa 13 backpack bags, naglalaman ng 37 platic box ng 292 piraso ng plastic pack na naglalaman ng marijuana kush na may timbang na 146 kgs na tinatayang nagkalahalaga ng P175,200,000
Apat (4) na kahon na naglalaman ng 162 piraso na maliliit na kahon na naglalaman ng kabuuang 810 piraso ng vape, na naglalaman ng langis o oil ng cannabis na may tinatayang halaga na P81,000, 16 pcs small canister na naglalaman ng marijuana kush na may timbang na 450 grams, 3 pakete ng pinatuyong mushroom na may 1.5kg, 2 maliit na brick ng hash, 8 pcs maliit na pakete ng pulbos na marijuana.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad at paghaharap ng kasong paglabag RA 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2000 sa matutukoy na mga suspek.(Mark Obleada)