Advertisers
Mahigit 2 bilyong piso na ang pagkakautang ng COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED) sa mga PAMANTASAN para sa mga SCHOLAR ng programang UNIFIED STUDENT FINANCIAL ASSISTANCE SYSTEM FOR TERTIARY EDUCATION (UniFAST).
Bunsod nito ay tila masasadlak sa dusa ang mga mag-aaral na pinangakuan para sa libreng edukasyon sa ilalim ng programang UniFAST ng CHED.., dahil sa 2-taon naitengga ng CHED ang pagbabayad sa mga kolehiyo at pamantasan para sa libu-libong SCHOLARS.
Ayon mismo sa tumatayong tagapagsalita ng ASSOCIATION OF HIGHER EDUCATION INSTITUTION (AHEI) na si Agapito Lubaton ay
pumalo na sa P2.1 bilyon ang utang ng CHED sa mga pribadong kolehiyo at pamantasan mula 2021 hanggang 2023.
Bulong ng ARYA BEES… e hindi ba’t may P10.3-bilyong nakalaan sa CHED para tustusan ang matrikula at allowance ng mga pobreng mag-aaral na kumukuha ng iba’t-ibang kurso sa mga STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES (SUCs) at mga pribadong pamantasan?
Ang nakapagtataka,., iginiit ni CHED CHAIRMAN POPOY DE VERA sa naging CONGRESSIONAL HEARING na walang pondo ang kanyang tanggapan para bayaran ang bilyon-bilyong matrikula ng mga estudyanteng benepisyaryo ng UniFAST.
Sakaling totoo ang sinabi ni DW VERA sa KONGRESO ay hindi malayong patigilin na sa pag-aaral ng mga pribadong pamantasan ang SCHOLARS ng UniFAST.., naku po, dusa ang aabutin ng mga mag-aaral niyan.
Sa pananaw ng ARYA e hindi naman ganun kasama ang mga PRIVATE COLLEGES and UNIVERSITIES dahil patuloy naman ang pag-aaral ng mga UniFAST SCHOLARS kahit tila bantulot ang CHED na magbayad sa napakalaking pagkakautang ng ahensya.
Ang tanong ngayon ay kung nasaan ang P10.3 bilyong pondo ng CHED? Sa ganitong pagkakataon ay tanging pagsusuri ng COMMISSION ON AUDIT (COA) ang makakasagot sa naturang tanong.
Bukod sa pagsusuri ng COA ay kailangang busisiin at talupan ng CONGRESS ang hokus-pokus sa mga pondo sa nasabing ahensiya.., at nararaoat lamang na ipagpatuloy ni NORTHERN SAMAR REP. PAUL DAZA ang pangungulit sa COA na suriin kung paano at saan ginastos ang pondong sadyang inilaan ng KONGRESO para sa MATRIKULA at ALLOWANCES ng mga maralitang mag-aaral.., na ang tanging hangad ay makatapos ng pag-aaral sa pag-asang edukasyon ang susi para makaahon sa kahirapan!
***
KALUSUGAN NG PDL CONCERN NG BJMP…
Preso man o ang tinaguriang PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY (PDL) ay pinagmamalasakitan ang KALUSUGAN ng mga ito ng BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY (BJMP) tulad sa ZAMBOANGA CITY JAIL MALE DORMITORY na pinangangasiwaan ni WARDEN JAIL SUPERINTENDENT XAVIER SOLDA ay pinasimulan nito ang kanilang PHYSIOTHERAPY SERVICES FACILITY.
Ipinunto ni JSIPT. SOLDA na ang mga PDL ay hindi na kailangan pang maghintay ng clearance mula sa korte para makapunta ang mga ito sa mga government hospital para sa kanilang PHYSICAL THERAPY SERVICES.., na maging ang kanilang immediate family ay maaari ring.magoa-physical therapy sa compound ng piitan.
“Our unit is putting all efforts into providing the best kind of health services our PDL rightfully deserves. Humanizing jail condition includes a non-stop pursuit for health solutions not just addressing the jail congestion”, pagpupunto ni JSIPT. SOLDA.
Ang inisyatibang pinasimulan ni JSUPT. SOLDA ay produkto sa isinagawang INTERNATIONAL CORRECTIONS AND PRISONS ASSOCIATION CONFERENCE na sinuportahan ng UNITED NATIONS OFFICE ON DRUGS AND CRIME sa pagtalakay para sa ba’t ibang creative solutions at pagresolba sa mga pagpo-problema sa Iba pang mga piitan.
“We hope to create more health facilities through the support of our partners as we continue to improve our service delivery to our clientele”, pahayag-papuri ni BJMP CHIEF JAIL DIRECTOR RUEL RIVERA para sa kauna-unahang PHYSIOTHERAPY SERVICES FACILITY na pinasimulan sa ZAMBOANGA CITY JAIL MALE DORMITORY.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.