Advertisers

Advertisers

‘17 Commandments’ ni Apollo Quiboloy

0 14

Advertisers

DINAIG pa ni Pastor Apollo Quiboloy ang ‘10 Commandents of God’ sa kanyang mga kahilingan para siputin ang Senate inquiry kaugnay ng mga reklamong pang-aabuso laban sa kanya.

Mantakin mo, mga pare’t mare, ilan sa 17 gusto mangyari ni Quibs para dumalo siya ng Senate probe ay bigyan siya ng private jet at five-star accommodation. Wow!

Gusto n’ya rin mangyari na lahat ng testigo ay tanggalan ng maskara. Aray ko!



Isiniwalat ni Senator Risa Hontiveros nung Lunes (March 11) ang demands na ito ni Quibs kapalit ng pagdalo niya sa subpoena ng Senate committee on women na pinamumunuan ng Senadora.

“First time ko makarinig ng ganito, sa totoo lang. Dinaig pa ni Pastor Quiboloy ang sampung utos ng Diyos. Ang masasabi ko lang diyan, bakit Senado ang mag-aadjust sa kanya?” say ni Hontiveros sa isang press conference.

Gusto raw ni Quibs na sunduin siya ng private jet kungsaan siya manggagaling at iparada ang aircraft sa Ninoy Aquino International Airport. Hahaha… Tinalo pa niya si PBBM.

Hirit pa ni Quibs, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), na ang pagkaing dapat ihahain sa kanya ay naayon sa kanyang dietary requirements at 5-star accommodation para sa kanya at kanyang team.

Pero sinabi ni Hontiveros, hindi ibibigay ng Senate ang mga kagaguhang ito ni Quibs.



“The Senate will not bend its rules and procedures for you, Pastor Quiboloy. Even if you are, as you say, a self-appointed son of God,” diin ng Senadora.

Tinawag naman ni Atty. Wilfredo Garrido si Quibs na “Hinayupak na dios-diosan.”

“Pagkatapos maglabas ng ‘17 Commandments’ ang huwad na propeta na Quiboloy talaga mga walanghiya lang ang mga senador na hindi babawi ng kanilang pirma sa paghtutol sa pag-aresto sa hinayupak na dios-diosan na yan,” ngitngit ni Atty. Garrido.

Ang mga senador na kontra para arestuhin ng Senado si Quibs ay sina Robin Padilla, Imee Marcos at Cynthia Villar. Si JV Ejercito binawi ang pirma, narindi sa upak ng netizens. Hehehe…

Sabi ng netizens, ang mga Senador na sumasampalataya kay Quibs ay mga ‘uto-uto’. Aray ko!

***

Dapat laliman pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbistiga sa nahuli nilang miyembo ng sindikatong JP Dragon kamakailan.

Sinabi ng NBI-NCR na ang nahuli nilang Hapon na lider ng sindikato ay may mga kasabwat na Pinoy.

Bakit hindi silipin ng NBI ang JP Dragon na miyembro ng Pitmaster at madalas kasama ng gambling lord ng Region 4-A na si alyas Tose.

Ito bang JP Dragon sa Pitmaster at JP Dragon syndicate ay iisa?

Ang grupong ito kasi ay nagtatapon lang ng pera sa sabungan gayung wala namang mga negosyo! Saan nila pinupulot ang milyones na itinataya sa mga bigtime derby? Mayroon ba silang minahan ng ginto?

Tanging mga sindikato ng iligal na sugal at shabu lamang ang may kakayahang maglustay ng milyones sa sabungan. Mismo! Subaybayan…