Advertisers
Nasawi ang menor de edad na driver ng motorsiklo at backrider nang magbangga ang isang Forward truck sa National Highway sa Purok Lovers Lane, Barangay Buluan, Ipil, Sibugay noong Lunes, Marso 11, 2024.
Ang driver ng motorsiklo nakilala si alyas ‘Anna,’ 15-anyos, residente ng Barangay Tumitom, Ipil, Zamboanga, Sibugay; at ang backrider nakilala si alyas ‘Karl,’ 14-anyos at residente ng Barangay Doña Josefa, Ipil, Zamboanga, Sibugay.
Ang driver ng Forward truck nakilala si alyas ‘Junel’, 19-anyos at residente ng Barangay Tibangao, Siocon, Zamboanga del Norte.
Ayon sa Ipil Municipal Police Station, magkaibang direksyon ang tinatahak ng motorsiklo at ang trak, ngunit nag-overtake ang motorsiklo at bumangga sa kabilang trak, na may kargang sako ng bigas at patungo sa R.T Lim, Zamboanga Sibugay.
Dahil sa malakas na impact ng banggaan, tumama ang motorsiklo sa bumper ng sasakyan at bumagsak sa kalsada, habang nagtamo naman ng mga sugat ang mga biktima na duguan sa ulo.
Dead on the spot ang driver ng motorsiklo, habang dinala sa Dr. Goerge Tocao Hofer Medical Center ang backrider ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.
Pansamantalang nakakulong sa Ipil Municipal Police Station ang driver ng truck habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya.