Advertisers

Advertisers

MGA VENDOR NANUMBALIK MULI SA DIVISORIA, ANG TANONG AY KUNG “MAGKANO”???

0 13

Advertisers

Muli na namang nanumbalik ang sandamakmak na mga vendor sa Divisoria na kung saan okupado na naman ng mga ito ang bangketa at kalsada.

Ang mabigat na daloy ng trapiko ay muling nararanasan ng mgamotorista at mga commuter. Gayundin ang mga pedestrian na sa halip na gamitin ang bangketa ay sa kalsada na rin naglalakad dahil sa okupado nga ng mga vendor.

Sadyang nakakagulat ang kaganapang ito dahil ” out of nowhere” ay bigla na lang nag-sulputang parang mga kabute ang mga vendor na ito.



Marami ang nagsasabi na tila ginawa na namang legal ang mga aktibidad ng mga ito na para bang may basbas sa kinauukulan ang pamamalagi na naman ng mga ito sa Divisoria.

Mantakin niyong ang kahabaan ng CM Recto Avenue hanggang sa Assuncion st. ay usad-pagong muli ang mga sasakyan dahil nga halos sarado na ang nasabing kalye sa mga nagla-lakad na mamimili at mga vendor.

Noong termino ni dating YORME Isko Moreno, ang Recto Ave. ay malinis at maluwag na nadadaanan ng mga motorista’t mamimili. Pwede ka nga raw maglaro ng patintero at tumbang-preso.

Sinabi rin noon ni Yorme sa publiko na kung may makikita at sakaling bumalik ang mga ito sa Divisoria, nangangahulugan daw na siya ay TUMANGGAP na at TINANGGAP na niya ang offer ng mga vendor sa kanya na aabot din umano sa milyong piso upang maka-pwesto lang muli sa nasabing lugar.

Eh di samakatuwid, may tumanggap na ng alok at nabili na naman ng mga ito ang Divisoria. Maraming saksing-buhay ang magpapatunay nito.



Ang punto de la Vista dito ay walang umaamin at nagpapatay malisya lahat ang mga taong imposibleng walang kinalaman dito. Kanya-kanyang turuan at plesing lang ang nama-magitan.

Sakop ng dalawang police station ng MPD ang nasabing lugar, ito ay ang MPD-PS 2 at MPD-PS 11. Wala daw silang pakialam dito. Tanging ang VENDOR ORGANIZER daw na inatasan ng city hall ang may kapangyarihan hinggil sa usaping ito.

Ang mga vendor-organizer ay binu-buo at pina-mumunuan ng mga Chairman o’ mga dating Chairman na kadikit at trusted daw ni Incumvent Mayor Honey Lacuna at dating Yor-me Isko Moreno. Ibang klase sharing of power and authority ng dalawang ito he he he

Sinabi ng mga pulis na ating nakakwentuhan na may kanya-kanyang kolektor daw ang mga ito na siyang humihingi ng tara sa mga vendor araw-araw. Bawal daw paki-alaman ang mga ito.

Wala na raw ibang kausap at direkta na daw sa city hall ang mga organizer na ito. Hindi lang natin malaman kung kay Mayor Lacuna o’ kay dating Yorme ito nag-iintrega ng kabuhayan.

Meron namang ibang nagsasabi na may gumigitna rin daw na isang Congressman at ilan mga Konsehal sa larangang ito. Tumatanggap din daw ang mga ito ng bahagi ng kiloeksiyon.

Sino nga naman ang hindi mag-iinteres sa gimmick na ito, biruin mong umaabot sa milyong piso ang naglalarong pera dito araw-araw.

Kino-konsidera ng marami na ang Divisoria ay “milk and honey” ng marami partikular na ng mga pulis, politiko at taong-gobyerno.

Milyon-milyon halaga ng pera ang naglalaro dito ng 24 oras, araw-araw gabi-gabi. Pag-bibilang daw ng pera ang tanging pahinga ng mga ito.

Mga SIR, MADAM, BOSS, CHIEF, AMO…baka naman kayo ay mangawit at pulikatin kabi-bilang ng pera. Ingat lang po dahil leading to stroke at atake sa puso ang ganyang senyales.

Wala naman problema sa ating mga vendor dahil sa iyan ang kanilang kinagisnang hanap-buhay dangan nga lang ay ilagay natin sa ayos, disiplinahin ang mga sarili at mag-karoon sana ng hangganan at limitasyon.