Advertisers

Advertisers

P1.7m shabu nasamsam sa 2 drug dealer

0 5

Advertisers

Kuloing ang dalawang drug dealer na nakumpiskahan ng P1.7 million na halaga ng shabu sa panibagong entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa pahayag nitong Martes ni PDEA-BARMM Director Gil Cesario Castro, agad na inaresto ng mga hindi unipormadong agents at mga impormante sina Nungga Mamaladang Abdila at Amir Andungan Usman nang magbenta sa kanila ng 250 gramo ng shabu sa gilid ng highway sa Barangay Makir sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Lunes.

Malaki ang naitulong ng mga residenteng Moro sa Datu Odin Sinsuat sa paglatag ng naturang entrapment operation na nagresulta sa pagkasamsam mula kina Abdila at Usman ng P1.7 million na halaga ng shabu, isang mobile phone at isang motorsiklong Honda XRM na gamit nila sa paghahatid ng kanilang illegal na epektos sa kanilang mga parukyano.



Naka-detine na sa tanggapan ng PDEA-BARMM ang dalawang suspects at nahaharap na sa mga kaukulang kaso.