Advertisers
NAGLUKLOK si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga bagong opisyal ng Department of Finance (DOF).
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, mahahalagang assets sa ahensya ang mga bagong talagang senior officials na aniya’y nakasama at nakatrabaho niya na rin sa mga nagdaang panahon.
Nabatid na kabilang sa mga bagong appointed DOF officials sina Rolando Tungpalan, Undersecretary of the Corporate Affairs and Strategic Infrastructure Group; Joven Balbosa, Undersecretary for the International Finance Group (IFG); Gerald Alan Quebral, Assistant Secretary for the Revenue Operations Group; at Sharon Almanza, National Treasurer.
Samantala, itinalaga naman ni PBBM si Donalyn Minimo bilang Director IV ng IFG habang Director IV din ng Information Management Service (IMS) si Cherrry Mae Gonzales. (Gilbert Perdez)