Advertisers

Advertisers

Suspek sa ‘rape/slay’ sa college student, timbog

0 12

Advertisers

Inihahanda na ng kapulisan ng bayan ng Lingayen ang mga isasampang kaso laban sa natukoy na suspek sa tinitingnang posibleng panghahalay at pamamaslang sa 21-anyos na college student sa Dagupan city.



Ayon kay PLt.Col. Vicente Castor, Jr., na sa kanilang pagpupurisigi at sa tulong ng mga nakasaksi natukoy nila ang pagkakakilanlan ng suspek na pinangalanang Alyang “Jesse” na sa ngayon nasa kustodiya na ng kapulisan.

Aniya, batay sa salaysay ng isa sa mga nakasaksi, napansin nito ang suspek na tila naghihintay sa sulok bago nangyari ang insidente at malapit sa pinangyarihan ng krimen. Kasunod ito ng pagkakatagpo ng isang mangingisda sa biktima na palutang-lutang sa isang bahagi ng palaisdaan sa Sitio San Gabriel, Brgy. Balangobong sa bayan ng Lingayen, at wala ng saplot sa pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Sa kanilang imbestigasyon, kanilang napag-alaman na noong Sabado patungo sana ang biktima sa bahay ng kanyang lola upang samahan ito dahil mahina na ang matanda, subali’t hindi umano ito nakarating sa lugar. Kinahapunan ng sumunod na araw, natagpuan na ang biktima, sinubukan pa itong dalhin sa pagamutan subali’t idineklara na rin walang buhay.

Samantala, may mga narekober din umano silang mga ebidensya gaya na lamang ng ibang mga kasuotan ng biktima at ang cellphone nito na itinago ng suspek sa isang parte malapit sa kanyang tahanan.

Sa kanila namang pakikipag-usap sa suspek, napag-alaman nilang naroroon ang kanyang motibo dahil matagal na umano itong may pagtingin sa biktima, at natukoy ito sa tulong ng Rural Health Unit at ng Scenes of Crime Officers.

Maliban dito, lumalabas din sa kanilang follow-up investigastion na nakikipag-inuman umano ang suspek sa dalawang witness, subali’t nauna na umano itong nagpaalam. Nagtutugma naman aniya ang pag-alis ng suspek sa pagdaan ng biktima sa lugar kung saan nangyari ang insidente.

Tinitingnan naman nila ang posibilidad na maaaring inabangan na talaga ng suspek ang biktima dahil routine na nito ang pagpunta sa bahay ng kanyang lola sa mga oras na iyon.