Advertisers

Advertisers

3 sugatan sa sunog sa Tondo

0 6

Advertisers

Sugatan ang tatlong indibidwal kabilang ang isang fire volunteer nang masunog ang mga kabahayan sa Quirino St. corner Herbosa Street, Tondo, Manila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), kapwa nagtamo ng first-degree burn ang 34-anyos na lalaki at 38-anyos na babae habang nahiwa naman ang kamay ng 20 taong gulang na Moriones Fire and Rescue volunteer.

Nagsimula ang sunog 10:00 ng gabi noong Biyernes na umabot sa ikalawang alarma.



Makalipas ang mahigit isang oras, naapula ang sunog na nagresulta sa 100 displaced families na binubuo ng 200 indibidwal.

Sinubukan namang balikan ng mga residente ang kanilang nasunog na bahay nitong Sabado ng umaga sa pag-asang may mga mapakikinabangan pa.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa barangay covered court habang iniimbestigahan pa rin ang sanhi ng pagsiklab ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala. (Jocelyn Domenden)