Advertisers
NAKAALERTO ngayon ang pulisya ng Central Visayas at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Region 7 matapos makalambat ng P106 million worth of high-grade cocaine sa Eastern Visayas region.
Ang bricks ng cocaine ay nalambat ng isang mangingisda sa karagatan ng Eastern Samar sa Eastern Visayas, dahilan para maalerto ang intelligence ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) at PDEA sa kanilang erya .
Ayon kay Police Lt. Colonel Gerard Ace Pelare, spokesperson ng PRO-7, iniatas ni Police Brigadier General Anthony Aberin na tingnan ang posibilidad kung ang cocaine shipments ay nakapasok din sa Central Visayas.
Ayon kasi kay Jonar Cuayzon, hepe ng Intelligence and Investigation Section ng PDEA-7, mayroong possible connection dahil angCentral Visayas at Eastern Visayas ay magkalapit lamang.
Ang packages ng cocaine ay ibinabagsak sa dagat at mayroong bangka na pi-pickup nito, na kung tawagin nila ay shipside smuggling.
“The contraband will no longer reach the port. It will be dropped into the ocean. They will use GPS to track it down. It so happens that the fisherman accidentally stumbled on it,” sabi ni Cuayzon.
Actually, hindi lang ngayon nangyari na nakalambat ng daan-daang milyong halaga ng cocaine ang mga mangingisda sa Visayas.
Nitong mga nakaraang taon ay ilang beses ding nakabingwit ng tone-toneladang packages ng cocaine ang mga mangingisda sa Visayas pati sa Ilocos at Bicol.
Pinaniniwalaang ibinabagsak ito ng barko o yate sa laot, nilalagyan ng GPS ang kontrabando para matukoy ng pi-pickup nito. Pero dahil sa malalaki ang alon ay mabilis itong naaanod at nakikita ng mga mangingisda.
Dapat maging alerto ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa mga erya na ito, hindi yung naka-concentrate lang sila sa West Philippine Sea. Mismo!
***
Good news! Pirmado na ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas para payagan ang estudyanteng hindi nakabayad ng tuition at ibang school fees na mag-take ng periodic at final examinations nang hindi na kailangan ng permit, inanunsyo ng Malakanayang nung Sabado, Marso 16.
Ang Republic Act 11984, ‘No Permit No Exam Prohibition Act’, na pinirmahan ng Pangulo nung Marso 11 ay para sa lahat ng public at private schools (K to 12), higher education institutions (HEIs), at technical vocational institutions (TVIs). Ayos!
***
Namatay na raw ang isa sa mga nagplano sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.
Si Ricardo Zulueta, Bureau of Corrections (BuCor) deputy security officer, ay namatay daw kamakailan.
Pero duda ang utol ni Percy na si Roy Mabasa. Gusto ni Roy na isailalim sa autopsy ang bangkay kung si Zulueta nga itio at kung ano ang kanyang ikinamatay.
Si Zulueta ay “bata” ni dating BuCor Director Gerald Bantag, umano’y utak sa pagpatay kay Percy, ay wanted katulad ni Bantag.