Advertisers
Ni Rommel Placente
SA isang interview ni Baron Geisler, sinabi niya na nang kunan ang intimate scene nila ni Cristine Reyes sa reunion movie nila ay nanginig siya.
Hindi raw maiwasan ni Baron na ma-starstruck kay Cristine dahil talagang hinahangaan niya ito pagdating sa aktingan.
Pag-amin ni Baron, feeling daw niya ay tumaas ang kanyang BP (blood pressure) nang naghahanda na siya para sa kissing scene nila ni Cristine sa pelikula.
“I always make sure na kapag…sa bawat eksena namin, kakatok ako sa room niya, talagang nagpapabango ako, nagtu-toothbrush ako, para hindi ako amoy usok,” simulang kuwento ng aktor.
“Tapos nu’ng nabasa ko sa script, may ano nga (intimate scene) kami. Kaya tinanong ko si Cristine kung may kissing scene ba sila ni Empoy (sa pelikulang Kidnap For Romance). Sabi niya, ‘oo’. Lips to lips ba? Sabi niya, ‘oo.’ Oh, swerte ni Empoy, ah.’
“Sabi ko paano siya nakakuha ng confidence? ‘Wala ginawa lang namin’, sabi ni Cristine. Kasi, di ba? Nandu’n sa script (halikan)…nanginginig talaga yung kamay ko,” pag-alala ni Baron.
“Then I talked to Direk, sabi ko, ‘Direk, parang hindi ko kayang gawin ‘to. Para akong mahihimatay. Muntik na ‘kong magpa-check ng BP, walang joke. And it’s not even a torrid (kissing scene).
“Pero dahil nga na-starstruck ako (at hindi na nakapagsalita), sabi talaga sa akin ni Cristine, ‘Tama na yan Baron, tapusin na natin ‘to’, yun, nabuhay ako bigla, nahiya talaga ‘ko. So sabi ko, sige shoot na natin ‘to!” natatawa pang chika ng aktor.
***
RABIYA DEDMA NA SA KANEGAHAN KAY JERIC, MAY TIWALA AT LABS TALAGA
KUNG yung ibang showbiz couples ay inaalam ang password ng cell phone ng bawat isa, para malaman/mabisto kung may ginagawang kalokohan, sa kaso ng mag-jowa na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, never nilang pinakialaman ang cellphone ng isa’t isa kahit pa matagal-tagal na rin silang magkarelasyon.
‘Yun ang sinabi ni Rabiya sa guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda.
May tiwala naman daw kasi sila sa bawat isa kaya hindi issue sa kanila kung bawal makialam sa kanilang mga gamit na cellphone.
“Dati I have access, we both have access sa phones namin. Ngayon wala na, kasi we trust each other na,” pag-amin ni Rabiya kay kuya Boy.
Sabi pa ni Rabiya, kahit masasabing nagsisimula pa lamang ang love story nila ni Jeric, nakapag-build na sila kahit paano ng foundation sa kanilang relationship.
Natanong naman ni kuya Boy si Rabiya kung ano ang kanyang kondisyon para tapusin o tuldukan na ang isang relasyon.
“Siguro kapag hindi na ako mahal. Sa actions, Tito Boy.
“Kapag wala na ‘yung respeto and at the same time, ‘pag mas okay na ‘yung hindi kayo nag-uusap kaysa pinag-uusapan niyo,” dugtong ng dalaga.
Pero handa raw siyang ipaglaban ang lalaki kung meron pa siyang nararamdamang pagmamahal kahit kaunti.
“Pero kung wala na, kahit mahal ko pa siya, let go na,” esplika pa ni Rabiya.
Nauna rito, inamin din ng dalaga na totoong naaapektuhan siya noon sa mga sinasabi ng mga tao laban kay Jeric dahil hindi niya alam kung ano talaga ang kanyang paniniwalaan.
“First time kong mag-date ng celebrity and minsan kapag celebrity din ‘yung dine-date mo ang daming opinyon, ang daming sinasabi about him and at first, I was shaken about it.
“Parang hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ‘yung sinasabi ni Jeric o ‘yung sinasabi ng mga tao about him kasi ibang-iba, e,” aniya pa.
Ngunit sa kabila ng lahat ng kanegahang ibinabato sa aktor, mas pinili pa rin niyang maniwala at pagkatiwalaan si Jeric. Ibig sabihin, mas nanaig talaga ang pagmamahal niya sa boyfriend.