Advertisers

Advertisers

Bubbles Paraiso maldita at masungit pero lab ni Chito Miranda

0 12

Advertisers

Ni BETH GELENA

KUNG sina Kathryn Bernardo at Bianca Umali ang pinagsabong sa Bench Fashion Week, gayundin sina Sunshine Cruz at Ina Raymundo.

Halos umusok umano ang runway habang rumarampa ang dalawang beteranang actress.



Ang ganda ng caption ni Ina sa kanyang suot na alluring swimwear kung saan nangungusap ang kanyang voluptuous form na hindi pa rin nagbabago kahit may limang anak na siya.

Sey ng actress, “This is not something a 48 year old, mom of 5 usually does- to walk down the runway among a slew of stars. It was empowering. Thank you for the opportunity @benchtm.”

Binahagi rin ni Ina kay Sunshine ang pagrampa nila sa BFW.

“It was so good to share this moment with my fellow Gen X, hottie mommy @sunshinecruz718.”

Hindi nagkakalayo ang edad ng dalawang Gen X actress.



Tatlo ang anak ni Sunshine sa ex husband nitong si Cesar Montano.

Si Ina ay mas nakilala noon bilang Miss Sabado Nights.

***

MAY mahabang post si Chito Miranda sa matagal na nilang pagkakaibigan ng aktres na si Bubbles Paraiso.

Sa Instagram ng singer ay may binahaging larawan ang Parokya Ni Edgar vocalist na kasama si Bubbles at nilagyan ng mahabang caption.

Ang kuhang larawan ay ang bonding moments kamakailan ng magkaibigan.

Talking everything under the sun tulad nang nakagawian nila noon.

20 years na pala ang kanilang friendship kung saan friend din nila si Angel Locsin.

Pinagkwentuhan nila ang kanilang mga ginagawa noon kapag nagkikita.

Sa tagal na nga raw nilang magkaibigan ay kilala na nila ang likaw ng bituka ng isa’t isa.

Ani Chito: “Foodtrip tapos firing with @bubblesparaiso.”

Chito then talked about how much he enjoys the actress’s company.

“Sobrang tagal ko nang kaibigan ‘tong maldita na ‘to…more than 20yrs na.” “…at dahil sobrang lalim ng pinagsamahan namin, sanay na sanay and at home na at home ako sa company nya kahit gaano kami katagal hindi magkita. “

“..at dahil sobrang familiar na ko sa buong pagkatao nya, including yung mga saltik and idiosyncrasies nya, I sometimes forget kung gaano sya ka-sweet and considertate at kung gaano sya kasaya at ka-simple katambay kahit parang ang babaw lang ng trip namin tuwing nagkikita kami.”

Dagdag pa ni Chito, “Wala lang…nakakatuwa.”

May palitan pa ng mensahe ang mag BFF.

“Masungit talaga ako in real life. labyuuuuu batman!” sey ni Bubbles.

Chito replied, “@bubblesparaiso labyu Bubbs!”

Si Chito ay married na kay Neri Naig at may dalawa na silang anak.

Regarding Bubbles, I think single pa rin siya hanggang ngayon.

***

RIA ATAYDE PREGNANT OR NOT?

PATULOY pa rin ang espekulasyon ng netizens na preggy nga si Ria Atayde kahit nagsalita na ang sister niyang si Gela Atayde sa isang interview.

May pinost si Sylvia Sanchez ng clip video sa kanyang Instagram account.

Sa caption ay binabati niya ang hubby niyang Papa Art sa lahat.

Ani Ibyang: “Happy Happy Birthday Husband @xaviart Love you so much. Surprise! Surprise!”

Isa si Maine Mendoza, ang kanilang daughter sa nagkomento.

Aniya: “Happy birthday po. Wish ko po kung ano wish nyo”

Last March 2 kasi ay nagselebreyt din si Maine ng kanyang birthday.

Ang wish na tanong ni Papa Art sa kanya, “where’s the baby?”

May isa namang netizen ang nagtanong,

“Parang may apo na po kau  @mssanches_a preggy na yata si ms @ria?”

May sumagot na ang handle ay @zanri23 “para nga! It’s ok…”

“Akala ko ba sabi ni @ataydegela hindi buntis?”

“Wow @ria really pregnant”

“Happy birthday kuya art and congratulations malapit ka ng maging lolo”

“She’s sooo pregnant! and Z looks so losyang”

“Mukhang tatay na nga c Zanjoe eh”

“mukhang preggy siya. Anyway kung buntis bakit dine-deny pa as if naman hindi lalabas ang totoo.”

“OMG! Wait for her to announce it. If she has fertility problems and that weight gain is caused by PCOS that is really hurtful and insensitive to make all these comments. Leave her alone na lang for now.”