Advertisers

Advertisers

Patricia gradweyt na sa pagsali sa mga beauty pageant

0 5

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KANDIDATA si Patricia Tumulak noon sa 2009 Miss Philippines Earth kung saan tinanghal siyang Miss Philippines Fire at si Sandra Seifert ang kinoronahang Miss Philippines Earth.



Makalipas ang dalawang taon, sumali naman si Patricia sa Binibining Pilipinas noong 2011.

Lahad ni Patricia, “Sa Binibini top ten lang ako dahil kasabayan ko sina Shamcey Supsup, MJ Lastimosa, Janine Tugonon, wala, magagaling lahat yun.

“Wala akong laban dun, deserve nila iyon, sabi ko nga, ‘Ano ba itong sinalihan ko, magagaling lahat sa batch!’

Sabay-sabay silang sumali sa Binibining Pilipinas 2011 kung saan nanalong Binibining Pilipinas Universe si Shamcey, first runner-up si Janine at second runner-up si MJ.

Kaya nagsasalita nang tapos si Patricia, wala na siyang planong muling sumali sa anumang beauty pageant.



“Okay na ako, ibigay na natin sa iba.”

May payo si Patricia sa mga kababaihang nagnanais sumali sa isang beauty contest.

“Kailangan kapag sumali ka,  yung talagang gusto mong manalo, may advocacy ka, at tsaka talagang pangarap mo siya.

“Ibigay na natin iyon sa iba na willing, kasi commitment din iyang pagsali, e.”

Isa si Patricia sa mga co-host sa public service show na Si Manoy Ang Ninong Ko kasama sina Gelli de Belen, Sherilyn Reyes-Tan, at Agri Party-list representative Wilbert Lee.

Nagsimulang umere noong March 3, mapapanood ang show tuwing Linggo, 7-8 ng umaga.

***

MAGANDANG  babae si Nella Dizon na anak ng multi-awarded actor na si Allen Dizon.

Isang beauty queen si Nella bilang Mutya ning San Fernando 2023. Nasa plano na ba niya na sumali sa Miss Universe Philippines?

Natawa muna si Nella bago sinabing, “Sa ngayon po hindi ko po alam if I’m gonna join any more pageants.”

Si Nella ang representative ng bayan ng San Fernando sa Mutya ning Kapampangan na idinaos nitong Disyembre 2023 kung saan pumuwesto lamang siya bilang isa sa top ten finalists.

Tuluyan na ba niyang isinasara ang pagkakataon na sumali siya sa iba pang national pageants?

“I’m not closing my doors po, pero siguro ngayon I want to focus on what I can improve. Kasi po siyempre, not necessarily showbiz, on myself, on what I can improve myself on, acting, on pageantry.

”Pero siguro po sa ngayon lang nga po like what I said I just need to improve on myself more.”

Sa pag-aartista muna siya nakapokus; kasama siya sa pelikulang Apo Hapon (A Love Story) kung saan tampok din sina JC de Vera at ang Japanese model na si Sakura Akiyoshi, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Nasa cast din ng Apo Hapon (A Love Story) movie sina Lianne Valentin, Perla Bautista, Rico Barrera, Fumiya Sankai, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Elora Españo, Panteen Palanca, at Prince Clemente.

Produced ito ng GK Productions at line produced ni Dennis Evangelista.