Advertisers

Advertisers

Piolo nadakma ang junjun ng lolang tattoo artist; David nagpaka-fan nang makita si Kathryn  

0 6

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

TRENDING sa Tiktok ang isang uploaded video na isang lola ang nandakma.

Napa-sana all ang hetizens na naka- watch sa nasabing video.



Habang nakaupo kasi si Piolo Pascual at ang tattoo artist na si Apo Wang Od na 107 years old na.

Walang kamalay malay si Piolo na bigla na lang dinakma ni Apo Wang Od ang kanyang junjun.

Natawa na nga lang si Piolo habang dakma pa ang kanyang kargada.

May ilang videos na din kasi na mga na upload sa ilang socmed platform  na may mga nahipuan na ang nasabing tattoo artist.

At nasama na nga sa koleksyon nito  Papa P.



Maraming  nainggit kay Apo Wang Od sa pagkakadakma nito sa junjun ni Piolo.

Ngingisi ngisi pa nga ang lola at tila may kislap sa mata nang madakma ang hinaharap ni Piolo.

***

MAGKASAMA sa isang clothing brand  sina David Licaucco  at Kathryn Bernardo na nagkaroon ng fashion week.

Halos lahat ng mga endorser ng clothing brand ay rumampa.

Kaya nung nagkita raw sina David at Kathryn ay laking tuwa ng Kapuso actor.

Inamin nito na idol niya si Kathryn.

As in, fan na fan siya ng box office actress.

Wa care si David sa mga pamba-bash ng netizens na nakita na nagpaka-tagahanga ito kay Kath.

Dahil first time lang nakita ni David ang idol kaya sinamantala nito na magpakuha  ng picture kay Kath.

Well, well, well… ‘Yun na!