Advertisers

Advertisers

Sunshine nagtapat, boxing ang rason kaya sexy pa rin

0 8

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

MORE than seven years nang nagbo- boxing ang sexy dramatic actress na si Sunshine Cruz.

Kaya nga marahil ganun na lang ang paghanga sa kanya dahil sa taglay na kahanga-hangang hugis ng katawan, huh!



Kumbaga, dahilan kung bakit napanatili ni Sunshine ang sexy na pangangatawan ay dahil sa pagbo-boxing niya.

Pero hindi raw naman sasabak sa kumpetisyon ng boxing si Sunshine.

“Hindi po ako lalaban sa larangan ng boxing,” napatawang bungad ni Sinshine nang tanungin kung bakit religiously niyang ginagawa ang boxing training.

“This is just my kind of cardio exercise. Sobrang enjoy ako sa boxing,” anya pa.

***



SI Direk Joey Reyes ang isa sa mga inirekomenda ng nagbitiw na bilang FDCP chairperson na si Tirso Cruz III.

Pero hanggang wala pang Inaanunsiyo na magiging kapalit ni Tirso ay ang señor among the dept. heads ang pansamantalang chairperson ng Film Development Council of the Philippines.

Ang Star for all Seasons Vilma Santos Recto ay isa rin sa naging maugong na hahalili sa iniwang posisyon ni Tirso.

Marami ang nalungkot sa biglaang pag-resign ni Tirso na kamakailan lamang ay ipinahayag ng aktor ang mga plano niya para sa FDCP.

Matandaang nagkaroon pa ng isyu noon bago naupo bilang FDCP head si Tirso.

Binigyan kasi ng extension ni dating Pres. Duterte si Liza Diño Seguerra kaya napanatili ilto as FDCP head kahit si Pres. Marcos na ang nakaupo.

Pero dahil sa delicadeza  at co-terminus naman talaga ang posisyon niya sa presidente ay bumaba sa posisyon si Liza.

Kaya na-appoint si Tirso na talaga namang napakasipag at ginawa ng aktor ang tungkulin niya, huh.

Pero ang ending after 19 months ay iiwanan din naman pala ni Kuya Pip ang posisyon.

May nasagap kaming dahilan kung bakit biglang iniwan ni Pip ang pagiging FDCP head. Personal reasons ang dahilan ng aktor pero ayon sa kausap namin ay may malaking kinalaman daw ang isa sa pinakamalapit sa Pangulo.

***

NAWALAN na raw ng pag asa ang action star at ngayon ay isang senador na si Robin Padilla na maipasa pa ang panukalang batas niya para sa mandatory Reserve Officers Training (ROTC) program.

Sa interbyu kay Senator Binoe ay bjnanggit niya na mahigit na dalawang taon na raw niyang inihain ang naturang panukala pero hanggang ngayon daw ay wala pa raw siyang nakikitang liwanag para dito, huh!

Banggit pa ng senador na isa raw ang ROTC na bill niya na ipinangako niya nung kasalukuyang nangangampanya pa siya.

Para raw sa kanya ay wala na siyang hihintayin na maipasa pa kaya suko na raw siya, huh!

Lahad ni Sen. Padilla na gagawa na lang daw siya ng sarili niyang paraan para makapag recruit ng mas maraming reservist.

“Siguro sarili ko nalang, makukumbinsi ko yung mga tao kasi para sa akin napakagandang halimbawa nito kapag nalaman ng mga kababayan natin na dito sa amin sa Senado ay may reservist na,” sey pa ni Sen. Robin.