TGS YT Channel ni Toni Gonzaga over 7M na ang subscribers; friendship nina Vilma Santos at Monet Lu, for life
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
AS of presstime, nasa 7.02 million na ang bilang ng mga tagahangang subscribers ng Toni Gonzaga Studio ni Toni Gonzaga sa Youtube. At syempre, patuloy ang pagdami ng subscribers ng Ultimate Multimedia Star.
And her views sa bawat interview sa mga tao from all walks of life ay very impressive na umaabot ng almost 6 million. Ito ay ang panayam ni Toni kay Maricar Reyes sa TONI TALKS. Nasa mahigit 4 million views yung kanyang one on one sa sister na si Alex Gonzaga na nag-open up ang kapatid sa kanyang 2nd miscarriage sa supposedly baby nila ng husband na si Lipa Councilor Mikee Morada. Well, kung bakit click ang Toni Talks kasi maliban sa magaling na talk show host si Toni at very articulate ay kaaya-aya siyang panoorin.
Kumbaga, hindi boring manood sa kanya. By the way, masaya si Toni sa laki ng kinita sa takilya ng movie nila ni Pepe Herrera na “MY SASSY GIRL.” Yes, sa lahat ng mga pelikulang ipinalabas last January and February ay pinaka-kumita ang My Sassy Girl na produced ni Toni under her TinCan Film Productions.
***
DIYOSA ng Kagandahan kung i-discribe ni Monet Lu ang kanyang kaibigan for 26 years na multi-awarded actress na sikat hanggang ngayon na si Vilma Santos. And yes finally, bago bumalik ng California si Monet na one month na nagbakasyon sa Pinas, nagkita sila ni Ate Vi sa Country Club sa Alabang last February 29 dahil kinabukasan ng March 1 ay may commitment si Ate Vi sa Lipa, Batangas.
Chika pa ni Monet, masaya siya at pinaglaanan siya ng mahabang oras ng Star for all Seasons kasi nga sobrang na-miss nila ang isa’t isa. At treat daw ni Ate Vi sa kanya at bitbit niyang friend interior designer na si Joel ang merienda at dinner. Yes, mula 5:30 PM ay inabot daw ng 10:30 PM ang chikahan nila ni Ate Vi sa mga past and present life nilang dalawa at enjoy to the max daw sila sa kanilang kuwentuhan. Labis daw na nagpasalamat sa kanya ang kaibigang actress sa support na ibinigay niya rito para sa movie nila ni Christopher de Leon na “When I Met You In Tokyo” nang magkaroon ito ng international screening last January sa sikat na sinehan sa California na TCL Chinese Theatres.
Isa-isang ininterview ni Monet ang mga kababayan nating Vilmanians na nanood sa nasabing sinehan na ikinatuwa raw nang labis ni Ate Vi. Thousand of views na ang coverage na ito ni Monet na inapload niya sa kanyang FB Page. Bahagi pala ng Manila International Film Festival ang mga international screening na bukod sa naging number one ang WIMYIT sa Amerika ay nagkamit uli ng kanyang pangalawang Best Actress Award si Ate Vi.
By the way, say pa ni Monet ay na-idiscuss daw niya kay Ate Vi na bago niya tapusin ang kanyang award giving body sa Los Angeles, California, kung saan sa Panorama City, California matatagpuan ang Monet Lu Salon, na pag-aari ni Monet. Gusto ni Monet na mabigyan muna ng Lifetime Achievement Award si Ate Vi. Kasi lahat daw ng “K” o karapatan ay na kay Vilma Santos, na at her age now ay kaya pang magbida at magdala ng sarili niyang pelikula. At pagmamalaki pa ni Monet, tanging si Ate Vi lang ang artistang tumuntong ng kanyang 50’s na nakakapagbida pa at hit ang mga movies. Na at her late 30’s ay naitambal pa sa mga batang-bata pa noong sina Gabby Concepcion, Tonton Gutierrez, Richard Gomez at Aga Muhlach.
True nga naman! Narito pala ang post ni Monet sa kanyang FB sa meet-up nila ni Ate Vi noong Feb.29, “I have waited for 26 years to once again see my idol and inspiration. Me and the Star for all Seasons, Miss Vilma Santos Recto thank you for a lovely chat and dinner. This is the highlight of my trip! Vilma, you are amazing and wishing that your star continues to shine.” Yan ang buong post ni Monet na kaibigan din namin.
***
Creation Ng Executive Producer Ng “MISS PHILIPPINES USA” Na Ms. Lou Razon Napansin Ng Academy Awards
BUKOD sa pagiging founder at executive producer ng “MISS PHILIPPINES USA” na 13 years nang hawak ni Ms. Lou Razon na friend ni Monet Lu. Kilala ring fashion designer sa buong Los Angeles, California si Ms Lou na noong 2002 ay napansin ang kanyang mga pabolosang creation ng Academy Awards. Siyempre, big achievement ito sa said personality na iniinvite ang lahat ng mga magagandang dilag sa buong mundo na open pa sila for application sa mga magjo-join para sa MISS PHILIPPINES GLOBAL. You can now apply Online at WWW.MISSPHILUSA.COM or TEXT 626.786.3513 for more info. And to join Miss Philippines Global, Miss Philippines USA, Mr Philippines USA, Miss Young Philippines 2024, here are the Qualifications:
For Miss Philippines USA-TEEN-14 to 19 years old at least 1/2 Filipino, for Miss Philippines Global, Miss Philippines USA and Mr Philippines USA 2024-20 to 29 years old and all applicants must be single and never been married, and never had a child. Yes, if you join this popular pageant in US the opportunities are endless!! Like Fashion and TV Commercial, Modelling Travel to the Philippines, Asia and Europe. Also Professional Pictorials, Brand Ambassador and Opportunity and chance to join International Pageants. Mary Jae Felizarta is the Reigning Queen of Miss Philippines USA 2023-2024. Todo suporta rin pala si Monet Lu sa taunang pageant, na ito.