Advertisers

Advertisers

Balikbayan nagpakamatay sa loob ng hotel

0 21

Advertisers

Nagbaril sa sarili ang isang balikbayan sa isang hotel sa Gateway Hotel, Surigao City nitong Martes, Marso 19, 2024.

Kinilala ang biktima na si Simon Rosales Diez, 56-anyos, at residente ng Villa Coreto, Surigao City, Surigao Del Norte.

Ayon sa Surigao City Police Office, nakatanggap sila ng tawag mula sa hotel 9:00 ng umaga tungkol sa insidente, mabilis naman silang rumisponde at sa kanilang pagsusuri, napag-alamang wala ng buhay ang biktima at may tama ng bala sa ulo.



Nag-check-in ang biktima sa Gateway Hotel noong Marso 17, 2024, ngunit nagpakamatay ito sa Room 307 noong umaga ng Marso 19, 2024 nang mag-almusal sa restaurant ng hotel.

Pagkatapos kumain, bumalik sa kwarto, maya- maya nakarinig ng putok ang mga staff ng hotel, at nang tingnan ng roomboy ang kuwarto, nakita niyang puno ng dugo ang katawan ng biktima.

Matapos mapanood ang CCTV, napag-alamang walang foul play sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng Surigao City Police Office para malaman kung ano ang dahilan ng pagbaril ng biktima sa sarili, at ano ang koneksyon sa naiwang papel at may nakasulat na dalawang pangalan sa tao at cellphone number.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">