Advertisers

Advertisers

Heneral na hinarang ng misis promotion, umaming may ‘kabit’

0 10

Advertisers

Inamin ng Armed Forces of the Philippines official na bigong makalusot sa Commission on Appointments (CA) ang promosyon, na nagkaroon siya ng ibang babae.

Itinanggi naman ni Brigadier General Ranulfo Sevilla ang alegasyon ng child abuse.

Ang pagkakaroon ng affair at child abuse allegations na naging dahilan ng pag-bypass sa kanyang promosyon bilang brigadier general.



Nilinaw naman ni Sevilla na nagkaroon siya ng relasyon sa ibang babae ngunit ito’y pagkatapos lamang niyang maghain ng annulment of marriage laban sa asawang si Tessa Luz Reyes-Sevilla.

Sinabi rin niya na ang mga kasong paglabag sa violence against women and children na isinampa laban sa kanya na-dismiss na ng korte.

Bigong makalusot sa CA ang promosyon ni Sevilla nang tutulan ng kanyang asawang si Tessa, kung saan inilahad ng huli ang aniya’y napakasakit na karanasan sa kanyang asawa.