Advertisers
Sinabuyan ng asido sa mukha ang lady guard na nakaupo lang sa tabi ng guard house sa isang subdivision sa Las Piñas City.
Mabilis naman na tumakas ang lalaking salarin matapos ang pagsaboy.
Sa report, hindi na nakakakita ang guwardiya dahil direkta itong tumama sa kaniyang mga mata.
Wala namang ideya ang biktima kung sino ang posibleng magsaboy sa kaniya ng asido.
Iniimbestigahan na ng Las Piñas City police ang nasabing insidente.