Mga tauhan ng BI sumailalim sa Expertise Training sa Dactyloscopy
Advertisers
Sumailalim ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga sesyon ng pagsasanay sa kadalubhasaan na nakatuon sa dactyloscopy, isang mahalagang aspeto ng pagsusuri at pagkakakilanlan ng fingerprint, na layong pahusayin ang mga kasanayan ng mga tauhan ng BI na may tungkulin sa paghawak ng mga fingerprint.
Ani Commissioner Norman Tansingco, ang kahalagahan ng patuloy na pag-unlad ng mga kasanayan sa pagtiyak ng bisa ng mga operasyon sa immigration.
“The Bureau of Immigration is committed to providing our personnel with the necessary training and expertise to carry out their duties effectively. Dactyloscopy training equips our officers with essential skills in fingerprint analysis, enabling them to accurately identify individuals and enhance border security,” saad ni Tansingco.
Nabatid na ang Dactyloscopy ay ang siyentipikong pag-aaral ng mga fingerprint para sa layunin ng pagkakakilanlan.
“Given the increasing importance of fingerprint analysis in immigration processes, expertise in dactyloscopy is essential for BI personnel responsible for handling fingerprints,” dagdag nito.
May kabuuang 36 na tauhan na nakatalaga sa iba’t ibang tanggapan ng BI na sangkot sa pagproseso at pagsusuri ng fingerprint ang dumalo sa pagsasanay, na inihanda ng Learning and Development Section ng BI.
Sa pamamagitan ng mga praktikal na pagsasanay at teoretikal na pagtuturo, ang mga kalahok ay nakakuha ng mas malalim na pag-unawa sa mga prinsipyo at pamamaraan ng dactyloscopy, na nagpapahusay sa kanilang kakayahang tumpak na pag-aralan at bigyang-kahulugan ang mga fingerprint. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)