Advertisers

Advertisers

NU dinurog ang UP, pinahaba ang winning streak sa 7

0 6

Advertisers

DINOMINA ng National University ang University of the Philippines, 25-23,25-22,25-16, para kolektahin ang kanilang ika-pitong sunod-sunod na tagumpay sa UAAP Season 86 Men’s Volleyball Tournament sa Araneta Colesium Miyerkules.

Dahil sa panalo ay umangat ang Bulldogs sa 7-1 rekord bago ang kanilang face-off kontra University of Santo Tomas sa Linggo, ang team na tumalo sa kanila sa ngayon.

“Sobrang ganda ng game na first set pa lang naging maganda na yung matchup namin. Nag struggle sa una pero yung ganitong sitwasyon nakuha agad namin sa first set kahit slow start,” Wika ni NU head coach Dante Alinsunurin.



Almendras umiskor ng game-high 19 points sa mabisa na 18-of-27 clip mula sa spikes tampok ang siyam na receptions.

“Itong start ng second round dito na magbi-base kung sino na yung papaosk ng top four and dito na rin magpipeak yung bawat team so sinasabi ko lang lagi sa kakampi ko na bawal kaming mag kumpyansa,” sambit ni Joshua Retamar, na may 20 excellent sets at six points on two attacks, two blocks, at two aces.

Rookie Jade Disquitado nagdagdag ng 13 points habang si Leo Aringo umiskor ng 11 sa kanyang sarili.

Angelo Lagando bumakas ng 14 points habang si Louis Gamban nag-ambag ng 12 para sa Fighting Maroons na nanateling malas sa walong laban.

Susubukin ng UP na makuha ang mailap na panalo laban sa Ateneo de Manila University sa Palm Sunday alas 10 ng umaga bago ang Holy Week break.