Advertisers
Magbabalik ang lingguhang Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Marso 21, sa Conference Room ng Philippine Sports Commission sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
Tampok na panauhin sa lingguhang public forum ganap na 10:30 ng umaga sina Wrrestling president at URCC founder Alvin Aguilar, gayundin sina Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma at ang table tennis phenom na si Kheith Rhynne Cruz.
Inaasahang tatalakayin ni Aguilar ang mga paghahanda ng mga pambansang atleta sa wrestling sa mga lalahukang mga torneo sa abroad, habang ang nalalapiut na election sa PTTF ang sentro ng usapin, gayundin ang matagumpay na kampanya ng batang si Cruz sa nakalipas na US Open Youth tournament.
Inaanyayahan ni TOPS president Maribeth Repizo ang mga opisyal at miyembo, gayundin ang mga sports enthusiasts na makiisa at makilahok sa talakayan na mapapanood din via live streaming sa opisyal Facebook page ng TOPS Usapang Sports, Bulgar facebook page, at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) – ang pinakabagong mobile apps broadcast network na libreng maido-download sa inyong Andoid phone.