Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MAY payo ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa kanyang Instagram account para sa mga mag-asawa na katulad nila ng mister na si Mikee Morada na hindi pa rin nagkaka-baby.
Payo ni Alex, “Habang wala pa[ng anak], alagaan muna ang isa’t isa.”
“Sa aming mga kapwa mag-asawa nag-aantay. Eto na malapit na in Jesus’ name [folded hands emoji],”
Mababasa sa comment section na maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang dasal at humiling na sana ay mabigyan ng anak sina Alex at Mikee.
“Praying with & for you, Alex. Like you, I was also promised by God. He was so specific that in the 3rd year of our marriage, we will have a son & we did. We gave him the name Isaac, our promised son.”
“Praying na magka-baby na po kayooo. In God’s perfect time [holding back tears emoji].”
“Inihanda lang po kayo ni Lord sa sitwasyon na pag magka-baby na kayo is no worries na.. Pray lang po ng pray [folded hand emojis].”
“Kami po ng asawa ko 16 yrs together 7 years nang kasal trying pa rin po at hindi sumusuko… kaya fighting lang po [emojis]”
Noong nakaraang buwan lamang nang ibinunyag ni Alex na nagtungo siya sa isang immunology doctor upang ihanda ang kanyang katawan sa muling pagbubuntis.
Kung matatandaan, dalawang beses nang nakunan si Alex.
***
FOR the first time ay magsasama sa isang serye sina Alden Richards at Dennis Trillo via Pulang Araw. At excited na ang huli sa unang pakikipagtrabaho niya sa una.
Sa tagal na ng dalawa bilang mga Kapuso, ngayon lang sila nabigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang isat isa.
Gaganap si Dennis sa serye bilang isa sa mga major kontrabida, isang malupit na sundalong hapon na magpapahirap sa karakter ng mga bida sa kuwento kabilang na si Alden.
Ayon kay Dennis, looking forward na siyang mag-shooting para sa Pulang Araw lalo na sa mga matitindi at buwis-buhay na mga eksena nila ni Alden.
Sabi ni Dennis, “Excited akong magkaroon kami ng eksena ni Alden, syempre, siya ‘yung hindi ko pa talaga nakakaeksena sa mga ganitong drama, ganu’n.
“Nakatrabaho ko siya sa mga variety shows, pero, ayun excited ako doon, paghahandaan ko ang eksena na ‘yon.”