Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
BIG fan ng Koreanovela ang “It’s Showtime” host at most followed Pinay celebrity sa IG na si Anne Curtis.
Katunayan, nagkaroon na siya ng personal encounters sa mga iniidolong Korean superstars tulad nina Park Bo Gum at Gong Yoo.
Dream come-true rin para sa kanya na makagawa ng Pinoy adaptation ng acclaimed K drama tulad ng sinubaybayan niyang “It’s Okay Not To Be Okay.”
Matutupad na ito ngayong taon dahil siya ang napili ng Kapamilya network na gumanap sa papel ni Ko Moon Young na pinasikat sa original version ni Seo Ye Ji sa nasabing serye.
Dahil sa pabolosang role, ito rin ang pagkakataon ni Anne para magpakitang gilas bilang fashionista sa kanyang mga pa-outfit.
Bagama’t may mga nagsasabing bagay kay Anne ang role, meron din namang nag-aampalaya na nag-oopinyong umano’y miscast o matanda na ang aktres para sa naturang role.
Hirit pa ng kibitzers, parang bampira raw si Anne dahil pabata nang pabata ang leading men.
Tumitita level rin daw ito considering na more than 10 years ang agwat ng edad niya sa napipisil na kaparehang si Joshua Garcia na kanyang bibinyagan.
Speaking of roles, nakalabas na sa isang May-December affair movie si Anne sa “Just A Stranger” noong 2019 kung saan nakapareha niya ang Viva hottie na si Marco Gumabao.
Hindi rin ito ang unang pagkakataon na gagawa si Anne ng Pinoy adaptation ng K-drama.
Noong 2011, nagkatambal sila ni Jericho Rosales sa Tagalog adaptation ng Koreadramang “Green Rose” na pinagbidahan nina Lee Da-Hae at Go Soo sa original.
***
SUMAILALIM sa lie detector test si Toni Gonzaga sa vlog ng kilalang YouTuber na si Viy Cortez.
Sa tanong kung sino ang mas maganda sa kanila ng sister na si Alex, ayon sa aktres, mas may hitsura raw sa kanya ang younger Gonzaga.
Gayunpaman, iniyabang naman niya na mas ma-appeal siya kay Alex kahit nagpatangos na ng ilong ang huli.
Inamin din niyang paborito siyang anak nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.
Pero, nagbago na raw iyon ngayon dahil feeling niya ay mas minamanok na ng mga magulang ang nakababatang kapatid.
Hirit pa niya, ikinahihiya rin daw niya ang mga kalokohang pinaggagagawa ni Alex.
Ibinuking din niyang may pagkakunsintidora rin daw ang kanyang mommy pagdating sa younger sister.
Hindi naman niya ikinaila na na-in love na rin siya sa co-actor na nakatrabaho na di niya pinangalanan.
Hindi raw naman maiiwasan ito lalo na’t kung romcoms ang mga proyektong ginagawa niya noon.
Dati rin daw ay nagui-guilty siya kapag iniiwan niya si Seve sa bahay while at work.
Sa ngayon daw ay wala na siyang guilt dahil natuto na siyang humindi sa ibang commitments lalo na’t prayoridad na niya ang kanyang pamilya.
Aminado rin siyang strict noon ang kanyang parents pero ipinagpapasalamat daw niya ito dahil hindi siya naligaw ng landas.
Katunayan, tumama raw ang kanyang tatay nang payuhan siya nitong iwasan ang isang aktor na eventually ay may pinaluhang babae.