Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
GUMANAP bilang si Commander Oscar Robinson si Gabby Eigenmann sa Voltes V: Legacy na umere sa GMA nitong nakaraang taong 2023.
Bilang mabait at matapang na commander ng Earth Defense Force, minahal ng publiko ang karakter ni Gabby sa serye.
Marami nga ang naapektuhan at nalungkot noong namatay si Commander Robinson sa kamay ng mga aliens na Boazanian habang ipinagtatanggol ang anak niyang si Jamie Robinson na ginampanan ni Ysabel Ortega.
At ngayong April 1, 2024 ay ipalalabas na ang My Guardian Alien na gaganap si Gabby bilang si Dr. Ceph.
Kung minahal siya bilang Commander Robinson, ganoon din ba ang magiging reaksyon ng publiko kay Dr. Ceph?
“To answer that question, iyon ang goal ko,” umpisang tumatawang sagot sa amin ni Gabby, “na sana mahalin. “But, kasi yung character ko bestfriend ni Tukayo,” pagtukoy ni Gabby sa male lead ng kanilang serye na si Gabby Concepcion, “family friend nila.
“Kung babasehan natin sa back story iba yung paniniwala ko sa alien, medyo hindi maganda.
“Kaya I don’t think people would love, but I hope people would understand kung saan nanggagaling yung character ko kasi hindi naman siya pinalaki or lumaki na masamang tao.
“Pero siyempre they would expect na, ‘O pag sinabing Gabby Eigenmann another contravida role.’
“Panoorin nila, panoorin niyo para malaman niyo hindi siya masamang tao. So may chance na puwede niyo siyang mahalin at maawa sa kanya.”
Kinumusta naman namin si Gabby sa kanyang muling pagsabak sa trabaho, sa taping ng My Guardian Alien, gayong kagagaling lamang niya sa isang malungkot na karanasan at marahil ay patuloy na nagluluksa sa pagpanaw ng aktres na si Jaclyn Jose na stepmother ni Gabby.
Si Jaclyn ay naging karelasyon ng ama ni Gabby na si Mark Gil; pumanaw ang mahusay na aktres nitong March 2 dahil sa heart attack.
Lahad ni Gabby, “Actually, masasabi ko na yes it’s nice to go back to work kasi nga these past few weeks e medyo, has really been heavy, sa family.
“But… actually in the middle of the whole week, na during the process of the wake nakapagtrabaho ako in between. I just needed a new scenery.
“So that helped a lot,” pakli pa ni Gabby. “And ngayon we’re still in constant communication kami ng mga kapatid ko especially si Andi,” banggit naman ni Gaby tungkol sa half-sister niyang si Andi Eigenmann na anak nina Jaclyn at Mark, “we’re okay.
“We’re okay, we’re holding on to each other, we’re giving each other strength, as we face new life.
“Okay naman, okay,” pagtatapos pa ni Gabby sa aming panayam sa kanya sa ginanap na mediacon ng My Guardian Alien sa Luxent hotel nitong Huwebes, March 21.
Sa naturang serye ay bida sina Marian Rivera bilang si Katherine at Gabby Concepcion bilang si Carlos kasama sina Raphael Landicho as Doy, at Max Collins as Venus.
Kukumpleto sa cast sina Marissa Delgado as Nova, Kiray Celis as Marites, Josh Ford as Aries, Caitlyn Stave as Halley, at Christian Antolin as Sputnik.
Mapapanood ito weeknights @ 8:50 pm sa GMA Prime sa direksyon ni Zig Dulay.