Advertisers

Advertisers

Kim todo-deny sa relasyon kay Marc

0 5

Advertisers

NI BETH GELENA

KINOREK ni  Jake Ejercito ang isang basher sa paggamit nito ng English na mali ang paggamit ng grammar at facts.

Ani Jake: “Pasensya na dumagdag pa ako sa mga problema nyo.”



“Jake pokes fun at sample question on Civil Service Exam Masterclass.”

Ayon sa isang netizen: Jake **WAS** silent during the times when Albie Casino was being assaulted for allegedly impregnating  Andi Eigenman.”

Kinorek ni Jake ang basher: “Ivan *IS* a clout chaser who comments without knowing the facts and the whole story. He can’t even spell names right.”

Isang ‘n’ lang kasi ang nakalagay sa family name ni Andi.

Komento ng netizens,



“Paano naman magsasalita si Jake nuon to defend Albie e pareho lang silang napaikot ni ate mo girl.”

“Baka kasi di rin lam ni Jake na sya ang ama kundi pa nag DNA”

“Ay patola mode si kuya mo ngayon.”

“Mabuti pa sa ibang bansa kahit mali ang grammar tanggap ka.”

“Basta for fact naman sinabi ni commenter, masyado kasing paperfect tong nepo baby. LOL”

“Pa-perfect pabayani pero nun puro puri ang lahat na inaako nya ang pagiging tatay k ellie as andi’s boyfriend quiet lang sya. Kun d pa nadulas ang sister ni andi tuloy din ang pagpapafeeling father of the century ni jake na inako maging tatay sa anak nya naman pala talaga. Also, napanood ko yun interview ni andi k boy abunda from before kawawangkawawa si andi dun.”

“Though close ang mami niya at si jaclyn, for some reason ayaw ng nanay niya kay andi.

“kung mababasa mo lahat ng mga tweets at interviews ni andi talking about jake. u will understand kung bakit ayaw sa kanya ng mum ni jake.”

“Biktima din sya tulad ni Albie.”

“Dinaan sa Wrong Spelling ni Jake. Kulang lang naman ng isang N sa Eigenmann”

“The forever hypocrite guy. Ang dami nyang nauuto sa soc med thinking na sya ang pinakamabuting Estrada.”

“Dapat mag sorry si Jake and Andi kay Albie.I am waiting to see them humble themselves.”

“Same here but I don’t think that’s ever gonna happen. Pnapabango na lang nila image nila and madami naman nauuto. Andi as simple living girl now with simple husband and happy family then Jake as super devoted single dad of the century. Naglie pa din nga si andi that she apologized to albie in private. So yan pagbabago nya to me is fake. D pa din kaya magsabi ng totoo eh. Puede naman d na lang nagsabi at all that she apologized coz hndi naman but no, she chose to lie.”

“May point c Ivan. Kaya grammar na lang tinira ng ipokritong jake”

“Ang feelingero talaga nitong Jake. Politika din ang ending mo, echusero! Grammar ka nlang magcorrect kasi nasapol ka sa sinabi ng commenter. Lol”

***

NAKAUSAP ni Ogie Diaz si Kim Rodriguez.

Pinabulaanan ng aktres ang isyu nila ni Marc Pingris.

Isa umano si Ogie sa kinalampag ng netizens kaugnay sa mga larawan umano nina Kim at Marc na bagama’t hindi magkasama ay sinasabing kuha sa iisang lugar.

Una nang pinabulaanan ni Marc ang alegasyong may relasyon sila ng nasabing aktres. Idinetalye naman ni Kim sa manager niyang si Ogie ang tungkol sa mga larawan. Sa episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, ibinahagi ni Ogie ang naging pahayag ng kanyang alagang si Kim kaugnay sa isyu nila ng PBA cager.

Ilang mga larawan nila ang nagbunga ng espekulasyon na nagsasabing mayroon umanong namamagitan sa kanila ng mister ni Danica Sotto.

Bilang manager, inalam ng talent manager ang detalye tungkol sa mga picture nina Marc at Kim na bagama’t hindi sila magkasama, sinasabi ng netizens na nasa iisang lugar sila.

“Tito, hindi po ‘yan totoo,” sagot ni Kim kay Ogie nang mausisa siya nito.

Una raw pinaliwanag ni Kim ang tungkol sa larawang kuha sa isang gas station.

“Hindi po kami magkasama niyan. Sabi niya sa akin, kahit itanong niyo po sa girl na ‘yan kung magkasama kami ni Marc Pingris kung pareho niya kaming nakita na same time, I’m sure alam niya ang totoo,” pahayag ni Kim sa kanyang manager.

Maging ang  kuha sa Opera House sa Australia ay pinabulaanan din ni Kim. “Ang sabi naman sa akin ni Kim, meron siyang dalawang kaibigan na kasama nung nagbakasyon sila sa Australia.

“Sabi sa akin ni Kim, anong pakialam ko kung may picture doon si Marc Pingris sa Opera house. E ako din may picture, lahat naman ng nagpupunta ng Syndney dapat may picture ka daw sa Opera House kaya may picture ako.”

Ang isyu sa kanila ay una nang pinasinungalinan ni Marc.

Nagpost siya sa kanyang Instagram at pinaliwanag ang isyung lumalabas sa kanila ni Kim.

***

JULIA AT CARLO SA IKALAWANG PAGKAKATAON

NAG-uumpisa nang mag-shooting ng ikalawang movie sina Julia Barretto at Carlo Aquino, titled Hold Me Close sa Japan.

Bale pang second team up ito ng dalawang personalities kung saan una silang nagkasama sa Expensive Candy.

Sa Instagram ng Viva Agency at Viva Films may caption silang nakalagay na  ‘Hold Me Close’ now filming in Japan with Jairus Aquino and Migo Valid.”

May post din sila sa kani-kanilang Instagram Stories ang dalawang lead actors.

The pair then treated fans to a sneak peek at their filming set through their respective Instagram Stories, with Aquino showing themselves at what appears to be an overlooking area.

Base sa Instagram ni  Laxamana nasa Japan na siya mula March 22.

At March 26 naman dumating sina Julia at Carlo.

Wala pang ibang detalye kung sino ang mga kasamang  cast sa nasabing pelikula.