Advertisers

Advertisers

Ria ayaw pa rin umamin, preggy na kaya nagpakasal agad kay Zanjoe?!

0 16

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DUDA ang netizens na buntis na si Ria Atayde kaya biglaan ang pagpapakasal nila ni Zanjoe Marudo.

Ginawa sa Kyusi ang kasalan ng dalawa na mismong si Mayor Joy Belmonte ang nag-officiate.



Sa kabila ng pagdududa ng netizens na preggy na si Ria kay Zanjoe ay no comment pa rin ang ina nitong si Sylvia Sanchez.

Bukod tanging nag-post sa nasabing kasalan ay ang kapatid na politician actor nito na si Arjo Atayde.

Pawang mga kamag anak naman ang dumalo sa kasalan nina Ria at Zanjoe at may tig-isang pares lang ng ninong at ninang.

Iwas naman ang mga kaanak sa pagsasabi na buntis na si Ria kaya asked ng netizens kung bakit nagpakasal agad.

Naihalintulad kay Jennylyn Mercado ang pagpapakasal ni Ria na sinabi na biglaan din ang kasal kay Dennis Trillo nang malamang buntis ang singer actress.



Kaya sabat ng netizens eh ano raw kung preggy na si Ria kay Zanjoe eh nasa right age na rin naman sila para magkaroon ng own family.

***

GMA mas pinili ang talents ng ABS-CBN

PINUTUKAN ng netizens ang GMA sa pagpabor nito sa mga talents ng ABS CBN kumpara sa sarili nilang talents..  Sa pagbabu nga sa ere ng Tahanang Pinakamasaya, inasahan na ang sarili nilang programa na TikToClock ang ipapalit sa inalisang slot ng TP.

Kaya inulan ng batikos ang GMA sa pagsasabing  wala itong tiwala sa kanilang sariling talents.

Mainit kasi at sure na ang Its Showtime ang ipapalit sa inalisan ng Tahanang Pinakamasaya.

Kung tutuusin ay kaya ng TikToClock na makipagtapatan sa noontime.

May sitsit pa nga na kaya na raw pataubin ng  Its Showtime ang magiging katapatan nila na Eat Bulaga sa TV 5.

Pero may mga sitsit na binigyan ang Its Showtime ng 3 months para patumbahin ang Bulaga.

Sa April 6 mag-start ang Its Showtime sa pakikipagbakbakan sa EB.

Well, well, well…’Yun na!