Advertisers
IBANG klase na ang mga makabagong gadgets ngayon, pati sa pag-deliver ng mga kontrabando ay gamit na.
Oo! Sa southern France, nabuking ang pagbabagsak ng drone ng mga iligal na droga at pagkain sa isang bilangguan sa French.
Natuklasan lamang ito ng jailguards nang sumabit ang isang parcel sa railing sa labas ng bintana ng selda, at nakakumpiska ng tatlo pa ang mga guwardiya.
Ang ganitong ideya ay hindi malayong gawin din ng mga sindikato ng iligal na droga dito sa Pilipinas partikular sa mga pambansang bilangguan. Kaya dapat maging alerto rito ang mga otoridad. Ipagbawal ang magpalipad ng drone sa mga pasilidad ng kulungan.
Dapat ding manmanan ng mga otoridad ang pagpalipad ng drone sa mga matataas na gusali tulad ng condominiums kungsaan marami nakatira na foreigners, baka shabu na ang laman ng drone na yan. Mismo!
***
May nakalap tayong info na ang mga iligal na droga na pumapasok sa Pilippinas ay binabagsak nalang ng barko sa laot at pini-pickup ng kanilang kontak na gumagamit naman ng yate.
Ang naturang mga kontrabando ay ginagamitan ng GPS para madaling makita ng pi-pickup sa laot.
Kadalasang ginagawa ito ng drug syndicate kapag hindi gaanong malalaki ang alon para hindi anurin.
Nangyayari ito sa mga karagatang bahagi ng Visayas, Ilocos at Bicol kungsaan madalas makalambat ng tone-toneladang cocaine ang mga mangingisda.
Kaya dapat maging alerto 24 oras ang Philippine Navy at Philippine Coast Guards sa bagay na ito.
Ang numero uno namang dapat tuklasin dito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay kung sino-sino ang kontak ng mga banyagang drug syndicate sa bansa.
Do it, PDEA!
***
Nagsisimula nang umikot ang mga reelectionist senators pati ang mga gustong makabalik sa Senado.
Nitong mga nakaraang araw ay nakita ko ang post sa Facebook ng mga larawan nina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Sen. Imee Marcos, Sen. Francis Tolentino, ex-Sen. Kiko Pangilinan at maging si ex-Pres. Leni Robredo na pumupunta sa mga okasyon sa probinsiya. Hindi pa naman sila nangangampanya, pero halata na nagpapaalala na sa mga botante para hindi sila makalimutan sa papalapit na midterm election.
Kamakailan, may lumabas sa national survey para sa mga Senador. Nangunguna para sa “Magic 12” ang journalist na si Erwin Tulfo, sumunod sina Tito Sotto, Bong Go, Ben Tulfo, Rody Duterte, Ping Lacson, Ronald dela Rosa, Manny Pacquiao, Bong Revilla, Imee Marcos, Isko Moreno, Pia Cayetano, Francis Tolentino, Lito Lapid, Willie Ong at Benhur Abalos.
Kung ako ang tatanungin, lima lang ang akma sa kanila maging senador: Erwin Tulfo, Bong Go, Francis Tolentino, Willie Ong at Abalos. Gusto ko ibalik sina Frank Drilon at Antonio Trillanes.
Say n’yo, mga pare’t mare?